top of page
Search
BULGAR

Pagpapasara ng u-turn slot sa EDSA, stop muna - MMDA

ni Twincle Esquierdo | December 3, 2020




Ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Huwebes ang pagpapasara ng U-turn slot sa General Malvar at Bagong Barrio sa Caloocan City hanggang sa susunod na taong Enero 4, 2021.


Batay sa advisory na inilabas ng MMDA mula sa kanilang Facebook account, “Ipinagpaliban muna ang pagsara ng U-turn slot na malapit sa General Malvar/Bagong Barrio. Sa January 4, 2021 na ito isasara. Manatiling nakatutok para sa karagdagang updates tungkol sa efforts ng MMDA para mapabilis ang biyahe sa EDSA Busway.”


Isasara naman ng MMDA ang ibang U-turn slot sa Balintawak Market sa harap ng BPI bank, Kaingin Road, sa harap ng Nissan, Congressional LRT Station, sa harap ng PANORAMA, Corregidor intersection/Bansalangin, sa harap ng Quezon City Academy, North Avenue bago MRT North Avenue Station at Oliveros Drive.


Sinisisi ng maraming drivers, lalo na ng mga jeepney drivers, ang mga saradong U-turn slots para sa mas bumigat na trapiko sa EDSA dahil nakadaragdag daw ito sa pagkonsumo nila sa gas at travel time.


Samantala, una nang sinabi ng MMDA na hindi nila inaasahan na magiging ganito kabigat ang trapiko kapag isinarado nila ang ilang U-turn slots.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page