ni Mary Gutierrez Almirañez | February 14, 2021
Magsisimula na sa ika-20 ng Pebrero ang extended holiday registration para sa 2022 national elections, ganap na alas-8 nang umaga hanggang alas-5 nang hapon tuwing Martes hanggang Sabado.
Maaaring mag-walk-in ang aplikante sa pinakamalapit na opisina ng COMELEC, ngunit upang maging prayoridad sa pila ay pinapayuhang magpa-appointment at magparehistro muna sa irehistrocomelec.gov.ph.
Kailangang pumunta sa takdang petsa kung kailan nagpa-appointment bitbit ang mga hinihinging dokumento tulad ng application form, proof of residency, at valid ID.
Sa pahayag ni Spokesperson Director James Jimenez, mula noong Setyembre 1 ay wala pang naitatalang COVID-19 transmission ang COMELEC dahil sa online registration at ipinapatupad na health protocols. Tuwing Lunes ay nagdi-disinfect sa mga opisina upang masiguro ang kaligtasan ng bawat aplikante laban sa virus.
Gayunman, mahigit 4 million pa ang aasahang botante, sapagkat 1.3 million pa lamang ang mga nakarehistro mula noong nakaraang taon.
Comments