ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 6, 2024
Dear Chief Acosta,
Noong nakaraan ay nawala ng aking nanay ang kanyang senior citizen’s ID. Pumunta ako sa isang abogado para magpagawa ng Affidavit of Loss, subalit, tumanggi siyang gumawa dahil hindi ko kasama ang aking nanay. Tama ba ang kanyang ginawa? – Danilo
Dear Danilo,
Para sa iyong kaalaman, ang probisyon ng batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 2, Rule IV ng 2004 Rules on Notarial Practice kung saan nakasaad na:
SEC. 2. Prohibitions. - xxx
(b) A person shall not perform a notarial act if the person involved as signatory to the instrument or document –
(1) is not in the notary’s presence personally at the time of the notarization; and
(2) is not personally known to the notary public or otherwise identified by the notary, public through competent evidence of identity as defined by these Rules.
Ayon sa batas, hindi maaaring magnotaryo ang abogado kung ang sumusumpa o ang affiant ay hindi humarap sa kanya ng personal. Dahil hindi mo kasama ang iyong nanay noong ikaw ay nagpagawa ng salaysay o affidavit, tama lamang na hindi pumayag na gawin ng abogado ito, sapagkat ang presensya ng susumpa o affiant ay mahalaga at kailangan sa paggawa ng isang affidavit. Upang magawan ng affidavit of loss ang iyong nanay dahil sa pagkawala ng kanyang senior citizen’s ID, kinakailangang personal siyang magtungo sa isang notary public para personal siyang makita at makapanumpa sa harap ng abogadong gagawa nito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comentários