top of page
Search

Pagpapaliban ng 2023 Contribution Hike, aprub sa Pag-IBIG Board

BULGAR

ni Fely Ng @Bulgarific | March 16, 2023






Hello, Bulgarians! Kamakailan ay opisyal na inaprubahan ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees ang pagpapaliban ng ahensya sa pagtaas ng kontribusyon ngayong 2023, dahil sa patuloy na pagbawi ng mga manggagawa at may-ari ng negosyo mula sa pandemya.


“We recognize that many of our members and employers are still in the midst of recovering from financial challenges arising from the effects of the pandemic on the economy. After consulting with our stakeholders, we have officially approved the deferment of the increase of Pag-IBIG members’ monthly contributions for another year. This is in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to alleviate the financial burden of our fellow Filipinos due to the prevailing socio-economic challenges brought about by the COVID-19 pandemic,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Noong 2019, inaprubahan ng mga opisyal ng ahensya ang pagtaas ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito matapos makuha ang pagsang-ayon ng mga stakeholder para ipatupad ang nakaplanong pagtaas ng kontribusyon sa 2021. Sa panahong ‘yun, nakita ng ahensya na kailangan ang pagtaas dahil inaasahan nito na ang halaga ng mga nailabas na pautang ay maaaring malampasan ang kabuuang mga koleksyon mula sa parehong mga pagbabayad ng loan at mga kontribusyon ng mga miyembro.


Gayunman, dahil sa mga epekto ng pandemya sa mga miyembro at sa kahilingan ng business community sa pangunguna ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) na isaalang-alang ang kanilang kalagayan, ipinagpaliban ng Pag-IBIG Fund sa ikatlong magkakasunod na taon ang pagtaas ng mga rate ng kontribusyon na nananatiling hindi nagbabago mula noong 1986.


Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, ang matatag na katayuan ng ahensya at malakas na koleksyon na naghihimok sa mga miyembrong magtipid sa ilalim ng Regular at MP2 Savings programs, ay magbibigay-daan sa ahensya upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa pautang ng mga miyembro kahit walang pagtaas ng kontribusyon sa taong ito.


“Our strong financial position shall allow us to again postpone the increase in our contribution rates for a year. We are happy to report that even without any increase in our rates, we were able to post record-highs in 2022 with our membership savings collections reaching nearly P80 billion, loan payment collections amounting to P127.42 billion, short-term loan releases at 57.69 billion and home loan takeout amounting to P117.85 billion. And, with the continued trust and support of our members, the business community and housing industry partners, we look forward to achieving another banner year for Pag-IBIG Fund in 2023 despite not increasing our contribution rates for the 37th consecutive year,” sabi ni Acosta.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page