top of page
Search
BULGAR

Pagpapa-rebond, bawal sa mga bagong panganak!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | October 21, 2020




Dear Doc. Shane,

Natural lang ba na naglalagas ang buhok pagkapanganak? Tinanong ko ang mga

kaibigan ko, ganu’n din daw ang nangyari sa kanila. Paano ba ito maiiwasan? – Christine


Sagot

Ang hair loss ay parte ng pinagdaraanang postpartum ng mga nanay, na bunga ng pagbabago ng hormones pagkatapos niyang manganak. Habang buntis, tumataas ang lebel ng estrogen at androgen na nagpapakintab, nagpapalago at nagpapaganda ng pagtubo ng buhok. Kapag buntis, ang labis na estrogen ang nagpapatagal ng paghaba ng buhok kaya nagreresulta ito ng bawas sa paglalagas.


Ngunit, kapag nanganak na ay bumababa ang lebel ng estrogen na nagbubunsod naman ng pagkalagas o pagkanipis ng buhok na nararanasan pagsapit ng tatlo, apat o limang buwan pagkapanganak.


Kailan titigil ang paglalagas ng buhok?


Magkakaiba ang experiences ng paglalagas ng buhok. May mga nanay na nagsimula ang

paglalagas ng kanilang buhok ng dalawang buwan pagkapanganak at habang tumatagal ay lumalala pa ito. May iba namang nagsisimula rin ng tatlong buwan pero tumatagal lamang kapag siyam na buwan na si baby.


May mga nagsabing tumagal ito ng ilang buwan lamang at may umaabot ng isang taon pero ang iba, nararanasan ito hanggang dalawang taon.


May puwede bang gawin para mabawasan ang pagkalagas ng buhok?


Magpagupit ng buhok. Nakatulong ang pagpapaikli ng buhok para mabawasan ang

paglalagas at hindi na kailangan ang madalas na pagsusuklay ng buhok. Mas oks din na

gumamit ng suklay na malalaki ang espayo o ngipin kaysa sa maninipis at brush upang

maiwasan ang pagkapit o pagkahila ng buhok.


Iwasan ang pagpapa-rebond. Ang gamot na ginagamit dito ay maaaring magdulot ng

pinsala sa scalp o anit at maging sanhi ng pagkakalbo. Hindi rin makabubuti ang gamot

sa baby kung nagpapasuso.


Pag-inom ng gamot. Ang pag-inom ng obimin, biotin at calciumade ay nakatulong sa

pagbawas ng paglalagas ng buhok. Pero tandaan na mahalaga ang pagkonsulta sa doktor bago ang pag-inom ng mga nasabing gamot.


Magpalit ng ginagamit ng shampoo. Gumamit ng sulfate-free at parabens-free shampoo tulad ng baby shampoo.


Bukod sa mga nabanggit, maaari ring subukan ang pagbabad ng anit sa coconut oil, lavender essential oil, argan oil at castor oil with coconut oil. Makatutulong ang mga ito sa pagdami ng tumutubong buhok at mas kumakapal din ang tubo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page