ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 27, 2023
Pumanaw noong nakaraang Martes, Agosto 22, ang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) na si Susan “Toots” Ople.
Si Sec. Toots ang kauna-unahang kalihim ng DMW, at sa isang taon niya bilang kalihim ng DMW, naipatupad niya ang mga programang nagbigay kasagutan sa mga pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Isang ahensyang may puso at tunay na malasakit sa mga OFW, ‘yan ang direksyon na gusto niyang tahakin ng DMW.
Tunay nga na sa kanyang mapagkalingang pamumuno, masasabi nating naging tahanan ng OFW ang DMW.
☻☻☻
Bago pa maging kalihim ng DMW, kilala na si Sec. Toots sa kanyang adbokasiya na ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa at OFWs.
Itinatag niya ang Blas Ople Policy Center (BOPC) na naging takbuhan ng mga OFW na nangangailangan.
Noong naging OFW czar ang aking ama na si former Vice President Jojo Binay, isa siya sa mga mahalagang katuwang sa laban kontra human trafficking at illegal recruitment sa bansa.
☻☻☻
Malaking kawalan sa pamahalaan ang ‘di inaasahang pagpanaw ni Sec. Toots.
Isa siyang dakilang Pilipino at lingkod-bayan, at marami kaming nagluluksa sa kanyang pagkawala.
Ako at ang aking buong pamilya ay lubos na nakikidalamhati sa kanyang mga mahal sa buhay.
Paalam, Toots, at maraming salamat sa iyong serbisyo sa bayan at pagkakaibigan.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comentarios