ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 10, 2024
Photo: Willie Revillame - Wil To Win
Maraming nagtaka-nagtatanong kung bakit pinili ni Willie Revillame ang tumakbo bilang independent candidate nang ideklara niyang kakandidatong senador sa 2025 midterm elections.
Bakit hindi siya sumama sa malaking partido upang may tutulong sa kanyang pag-iikot at pangangampanya?
Alam ng lahat na naging malapit noon si Revillame sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, ganoon din kina Sen. Bong Go at Sen. Bato dela Rosa. Una na siyang inalok noon ni Duterte na tumakbong senador sa kanilang line-up pero tinanggihan iyon ni Revillame.
Noon iyon, kung kailan malakas ang hatak ng programang Wowowin. Maging noong panahon ng COVID pandemic ay nagbigay ng tulong at ayuda si Willie sa mga nawalan ng trabaho.
Marami ang nagsasabing malaki ang chance niyang manalong senador dahil mabango ang kanyang pangalan at malakas ang hatak niya.
At dahil sa pagtanggi ni Willie, ipinalit sa slot niya si Robin Padilla, na nanalong number one senator.
So, ano ang magiging kapalaran ni Willie Revillame ngayong tatakbo siyang independent candidate for senator? Tiyak na mapipilitan siyang maglabas ng sarili niyang pera para sa kanyang campaign fund at ang programa niyang Wil To Win (WTW) sa TV5 ay hanggang Pebrero 10, 2025 na lamang mapapanood, dahil bawal na sa mga kandidato ang lumabas sa telebisyon.
Napagod na rin ba si Kuya Wil sa pagho-host ng game show? Ayaw na rin ba niya ng stress, kaya nagdesisyon siyang pumasok na lang sa pulitika?
Kaya tatakbong cong.
NORA, PAGOD NA, BABU SA SHOWBIZ
MAY mga balitang plano na raw ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor ang magretiro na sa showbiz, pagkatapos niyang gawin ang pelikulang hango sa kanyang buhay.
Nakapangako na raw si Ate Guy sa writer at director na bubuo ng nasabing proyekto.
Sa edad ngayon ni Guy na 71, medyo nakakaramdam na siya ng pagod, lalo na’t madalas umaatake ang sakit niyang asthma. Nahihirapan na siya sa taping at shooting.
Kaya naisip niya na mag-quit na sa showbiz kapag nagawa na niya ang pelikula na tatalakay sa kanyang buhay. Ito ang ihahandog niya sa kanyang mga loyal fans at supporters.
Well, kaya siguro tatakbo na lang siyang congresswoman sa ilalim ng People's Champ Guardians Partylist. Sa political arena naman siya lalaban upang makatulong sa mga nangangailangan sakaling palarin siyang manalo.
Payag ba ang mga Noranians sa plano ng Superstar na iwanan na ang showbiz?
NAGBUNGA rin ang sipag ng komedyante na si Wilma Doesnt sa pagtayo ng kanyang carinderia na ‘Chicks ni Otit’. Dinarayo na ito ngayon ng kanilang mga suki sa Gen. Trias, Cavite. Maging ang branch nila sa Tagaytay ay patok din at malakas ang benta.
May puwesto na rin sa hotel si Wilma sa Tagaytay, katabi ang kanyang resto. Isang dating hotel sa Tagaytay na may 13 rooms ang kanyang nirentahan para gawing negosyo. Sampung taon ang kontrata nila ng may-ari ng hotel. Ipina-renovate ito ni Wilma upang makaakit ng mga turista at nagpagawa siya ng bagong signage ng hotel na “Malako” ang pangalan.
May balak din si Wilma at ang kanyang mister na magbukas ng branch ng ‘Chicks ni Otit’ sa Makati o sa Baguio.
Kahit kumikita na sa kanyang resto business, tuloy pa rin si Wilma sa kanyang showbiz career. Kasama siya sa cast ng top-rated afternoon soap na Abot-Kamay na Pangarap (AKNP). Maraming viewers ang aliw na aliw sa kanyang karakter bilang si Josa.
Makakatulong ang exposure ni Wilma sa AKNP dahil dinarayo ang kanilang carinderia sa Cavite at Tagaytay.
Kaya lakas-loob na tatakbo uling mayor ng Manila… ISKO, CHINESE BUSINESSMAN ANG SPONSOR
PANAY ang kanta ngayon ni Yorme Isko Moreno ng Manila (na pinasikat noon ng bandang Hotdog) at ang sipag niyang mag-post sa socmed (social media) ng kanyang mga kaganapan.
May slogan pa siyang “Isko-ming to Manila.” At ngayon pa lang, full blast na ang simpleng pangangampanya ni Isko.
Malaki ang kanyang kumpiyansa na muling uupong mayor ng Maynila sa kabila ng mainit na kompetisyon nila ni Honey Lacuna at ng TV host/businessman na si Sam Verzosa.
Maugong din ang tsikang malaking Chinese businessman ang susuporta at magbibigay ng campaign fund kay Isko Moreno.
Well, bentahe ni Isko na noong unang termino niya bilang mayor ng Maynila, napakalaki ng pagbabagong kanyang ginawa, lalo na sa Divisoria, Quiapo, Underpass Plaza, at Bonifacio.
Ibinalik din niya ang ganda ng Metropolitan Theater na tumatak sa maraming Manileño, kaya marami ang gustong bumalik siya bilang mayor ng lungsod.
Ganunpaman, maraming bashers si Isko Moreno na muling inuungkat ang mga lumang isyung ibinabato sa kanya.
Comments