Pagod na raw kumayod, Aljur… KYLIE, NAGHAHANAP NA NG LALAKING BUBUHAY SA KANILANG MAG-IINA
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 6, 2025
Photo: Kylie Padilla - Instagram
Nang maghiwalay sila ni Aljur Abrenica, pinanindigan na ni Kylie Padilla ang pagiging single mom. Gusto niyang patunayan na kaya niyang buhayin ang dalawang anak na sina Alas at Axl.
Kahit papaano, may mga projects naman siya sa GMA Network at nakaka-survive sila. Kinaya ni Kylie ang hindi paghingi ng tulong at financial assistance sa kanyang ama na si Sen. Robin Padilla dahil desisyon niya ang pakikipaghiwalay kay Aljur.
Pero ngayon, dumating na sa punto na nakakaramdam na rin ng pagod si Kylie sa pagtatrabaho upang itaguyod ang dalawang anak, lalo na’t lumalaki na ang mga ito at nadaragdagan ang mga gastusin at pangangailangan.
Sa pakikipag-usap ni Kylie sa kanyang Tita BB Gandanghari, nai-share niya ang kanyang nararamdaman. Gusto na rin daw ni Kylie na humanap ng isang katuwang na makakapag-provide sa pangangailangan nilang mag-iina.
At this point of her life, gusto ni Kylie na makasama nang matagal ang kanyang mga anak at hindi na iiwan ang mga ito kapag may trabaho siya.
Tuloy, nagtatanong ang mga netizens kung nagbibigay ba si Aljur Abrenica ng sustento sa kanilang mga anak? Ipinaubaya na ba ni Aljur kay Kylie ang responsibilidad na buhayin sina Alas at Axl?
Mabuti na lang at may mga bagong projects ngayon sa GMA si Kylie Padilla. Kasama siya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS), at ganoon din sa My Father’s Wife (MFW) with Gabby Concepcion.
Wa’ raw siyang sustento, nambubugbog pa…
RESBAK NI BUBOY: ANGILLYN, MAS UNANG NAGKAANAK SA IBA
PAGKATAPOS ng mga pasabog ng kanyang ex-wife na si Angillyn Gorens, nagsalita na rin ang Kapuso actor na si Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Dito ay isa-isa niyang sinagot ang mga akusasyon na ibinibintang sa kanya ng dating karelasyon na si Angillyn, kung saan may dalawa siyang anak.
Nasa pangangalaga ngayon ng mga magulang ni Angillyn ang kanilang anak at nahihiram ni Buboy tuwing Linggo.
Maayos din ang naging usapan tungkol sa sustento ni Buboy sa mga anak, base sa kanyang kinikita sa showbiz.
Itinanggi ni Buboy ang akusasyon ni Angillyn na sinasaktan niya ito. Naging magulo raw ang kanilang pagsasama noon dahil hindi magkasundo ang kanyang ina at si Angillyn, kaya minabuti nilang bumukod ng tirahan.
Ang tungkol sa bago niyang pamilya ngayon ay hindi niya itinago, ipinaalam niya ito kay
Angillyn. Pero ang hindi alam ng marami, naunang nagkaroon ng anak at bagong karelasyon si Angillyn Gorens sa Amerika bago sila nagsama ni Isay Sampiano. Kaya umaasa si Buboy Villar na maiintindihan ni Angillyn kung may bago na rin siyang pamilya ngayon.
Well, ang publiko na lang ang huhusga ngayon kung sino kina Buboy Villar at Angillyn Gorens ang nasa tamang katwiran at nagsasabi nang totoo.
MEDYO may pressure sa parte ni Glaiza de Castro na marami ang nag-aabang at nagtatanong kung kailan sila magkakaroon ng baby ng kanyang mister.
Ang mga nakasabayang artista kasi ni Glaiza ay may mga anak na at na-experience na ang pagiging nanay. Pangarap din naman ni Glaiza ang makumpleto ang kanilang pamilya. Pero hindi pa nga ibinibigay sa kanila ang kanilang “little angel”.
Anytime raw na dumating ay ready na si Glaiza, puwede muna siyang magpahinga sa pag-aartista.
Nakikita ng aktres kung gaano kasaya sina Jennylyn Mercado, Anne Curtis, Angelica
Panganiban, Iza Calzado at Solenn Heussaff sa pagkakaroon ng “little princess”. At nasa tamang edad na rin siya upang magkaroon ng anak na bubuo sa kanilang pamilya.
Well, may ilang commitments lang si Glaiza na dapat tapusin tulad ng Encantadia Chronicles: Sang’gre na may bagong chapter na uumpisahan. Dito ay kasama ni Glaiza sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Rhian Ramos. Ginastusan ito nang malaki ng GMA Network.
Halos dalawang dekada na rin sa GMA-7 si Glaiza de Castro at nakagawa na ng maraming serye. Tumatatak sa mga viewers ang bawat character na kanyang ginagampanan. Tiyak na aabangan ng lahat ang karakter ni Glaiza sa ECS.
Comments