top of page
Search
BULGAR

Pagod na pagod na raw… ALDEN: TINGIN N'YONG BADING AKO, FINE!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 4, 2024




Akala ni Alden Richards ay matitigil na ang mga nakakalokang tsismis sa kanila ni Maine Mendoza nang magpakasal ito kay Arjo Atayde.


Ilan nga sa mga ayaw mamatay-matay na tsismis ay kasal na sila ni Maine at may anak sila na talagang pinaniniwalaan ng mga AlDub fans.


“All along, akala ko by the time na of course, Maine and Arjo became public and then they got married eventually…” sey ni Alden sa panayam sa kanya sa vlog ni Toni Gonzaga.


Dugtong ni Toni, “Akala mo, mawawala na ‘yun? Hindi nawala?”


Sagot ng aktor, “Yes, 'andiyan pa rin. I already said my piece about this. It’s not true, wala pong katotohanan lahat. Wala po kaming anak, we never got married, we don’t have a love child.”


Pero ngayon daw ay nasa punto na siya na hinahayaan na lang niya kung saan masaya ang fans.


“Masaya po sila du’n, eh, tatanggalin ko pa ba? Ira-rub ko pa ba sa mga buhay nila na ‘wala nga, ‘wag kayong makulit.’ I’m not that kind of person. I always support happiness of people,” he said.


Ang talaga raw pagod na pagod na siyang marinig ay ang tungkol sa gender issue. Pero hinahayaan na lang din daw niya.


“Ganu’n din. Oh, tingin n’yong ganu’n? Fine. Tingin n’yong bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan, 'pag may ganu'ng mga rumors, ‘Wala na bang iba?’” sey ni Alden.


Just because wala raw siyang girlfriend ay hinusgahan na raw ang kanyang pagkatao.


“I have my life right now, I’m happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment,” sey ni Alden.

 

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page