ni Lolet Abania | September 9, 2021
Sampung volunteer doctors mula sa Department of Health (DOH) ang nagbitiw na sa Philippine General Hospital (PGH), sa kabila na nasa full capacity ang ospital dahil sa pagdami ng COVID-19 patients.
Hindi binanggit ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario ang naging rason sa pagbibitiw ng mga doktor subalit sa tingin niya ay kumikita ang mga ito ng mas malaki sa mas magaang na workload.
“Maybe I can just hypothesize. Maaaring napagod na din, maaaring ‘yung iba nagkakasakit. They probably look at PGH na masyadong maraming trabaho. The truth of the matter is they can probably be earning more if they just [have] less work, higher pay outside,” ani Del Rosario sa isang interview ngayong Huwebes.
“Ang narinig ko minsan ‘yung sweldo na P50,000 a month, to a lot of people that’s not enough. Because if they can moonlight somewhere, they can earn twice as much,” aniya pa. Sinabi rin ni Del Rosario na ang kanilang COVID-19 beds sa ngayon ay puno na kung saan 100 katao ang nananatiling naghihintay na mai-admit sa ospital.
“We have 300 beds for COVID. We have 298 patients in the hospital, but we also have about close to 35 patients in the emergency room,” sabi ni Del Rosario. “And the reason why they are still in the emergency room is because a lot of these patients would require either a ventilator or a high-flow oxygen machine, you need oxygen ports, but we cannot accommodate them inside the hospital. The ER becomes an extension of the ICU setup in our COVID facility. We’re full,” dagdag niya.
Ayon pa kay Del Rosario, kinailangan na rin nilang isara ang ilang non-COVID facilities dahil aniya, “so that we can open up more beds that have available oxygen ports.”
Nag-mobilize na rin sila ng mga health workers mula sa ibang departamento para tumulong na gumamot at mag-alaga ng mga COVID-19 patients, subalit aminado siyang hindi ito sapat. “Even with that, kapos pa rin, because we have other non-COVID patients to take care of,” saad ni Del Rosario.
Comments