ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Marso 7, 2024
Nakapagtataka ang tiyempo ng pagpayag ng PNP na magmay-ari ng mataas na kalibreng baril ang mga sibilyan. Bakit nga ba? At ano ang meron? Hello!
Nakakaalarma rin ‘yan ha! Eh, gusto n’yo ba na matulad tayo sa U.S.? Mga trigger happy!
At higit sa lahat magdudulot lang ng malawakang violence o karahasan ‘yan sa ating bansa ‘di bah?!
Magiging set-back din ito sa pulisya lalo na’t sinisikap nilang mabawasan ang mga krimen sa ating bansa. Eh, hindi malayo na dahil may matataas na kalibre ng baril ang mga sibilyan, kapag uminit ang ulo baril agad ang solusyon. Juskolord!
Bukod d’yan, nakini-kinita ko nang lolobo ang kriminalidad, terorismo, smuggling ng armas at malawakang karahasan sa halalan sa 2025.
Abah eh, malaking sampal ito sa PNP at lalo lang nilang ipinapahamak ang kanilang sarili at maging ang kaligtasan ng mga Pinoy mula sa karahasan.
Saka mind you, eh ‘di ba nga aktibo ang PNP sa decommissioning o pagbabawas ng armas ng mga rebelde... Ano na?!
IMEEsolusyon na tigilan na muna ang mga ganyan, sa ganang akin, kaysa armasan ang mga sibilyan ang kanilang mga sarili bilang proteksyon, makabubuting mag-aral ng basic knowledge sa self-defense.
Pwede nga kung tutuusin na mag-sponsor ang mga barangay ng mga self-defense para sa Kani-kanilang mga residente o nasasakupan.
IMEEsolusyon, na i-hold na muna ‘yan ng PNP at pag-isipang mabuti, timbangin kung may idudulot na mabuti o mas makasasama pa sa kapayapaan ng ating bayan. Agree?
Comments