top of page
Search
  • BULGAR

Pagmamahalan ng banyaga at Pinay, sure na uunlad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | June 28, 2024



Dear Maestro,


Ako ay 34-anyos na at may Canadian boyfriend. Gusto na niyang magkaroon kami ng baby, ngunit kahit mahal na mahal ko siya at ganundin siya sa akin, may takot akong nararamdaman. Sa edad kong ito, may chance pa ba akong magkaanak? Kung sakaling oo, magiging normal kaya siya?


Sobrang hilig ko sa mga baby at sa totoo lang gusto ko na ring magkaanak, kaya sana tulungan n’yo ako para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin bago siya umuwi rito sa Pilipinas.


Maestro, kami na rin ba ang magkakatuluyan? Ang birthday niya ay April 12, 1978, habang August 6, 1989 naman ang birthday ko. 

 

Umaasa,

Eka ng Lamao, Limay, Bataan


 

Dear Eka,


Compatible ang zodiac sign n’yo na Aries at Leo, sapagkat ang Aries at Leo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy. 


Habang sa Numerology, ang birth date mong 6, ay sadyang tugma at compatible sa birth date na 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ng boyfriend mo, dahil ang birth date na 3 at 6, ay kabilang sa grupo na kung tawagin ay series of 3-6-9.


Ibig sabihin, dahil tugma kayo sa Astro-Numerology, tiyak ang magaganap. Sa pag-uwi niya rito sa Pilipinas, kayo na ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay.


Ang pag-aanalisa naman na makakapag-asawa ka talaga ng banyaga at makakarating sa ibayong-dagat ay madali namang kinumpirma ng iyong sulat kamay na matutulis at may magugulong hugis na pang-foreign handwriting. Gayundin, ang birth date mong 5 kung saan karamihan sa mga taong nagtataglay ng numerong 5, 14 at 23, bukod sa nakakapag-abroad ay nakakapag-asawa rin ng foreigner.


Hinggil naman sa kinatatakutan mo, sa edad mong 34 hanggang 35 pataas, walang duda, isang lalaking malusog at matalino ang magiging bunga ng inyong pagmamahalan.


Kaya sa sandaling umuwi na ang boyfriend mong nasa Canada, tiyak ang magaganap, ayon sa inyong mga datos, walang duda, makakabuo kayo ng isang simple, pero maunlad na relasyon, hanggang sa bandang huli ay sa Canada na rin kayo manirahan upang bumuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page