top of page
Search
BULGAR

Pagluluwag ng restriksiyon, pinalagan ng mga doktor


ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021



Nanawagan ang ilang grupo ng mga doktor sa pamahalaan na ‘wag munang luwagan ang quarantine restriction sa Metro Manila dahil puno na umano ang mga intensive care units (ICUs).


Makabubuting panatilihin ang pagsasailalim ng NCR Plus sa general community quarantine (GCQ) “with restrictions,” ayon kay Dr. Maricar Limpin, president ng Philippine College of Physicians.


Aniya sa isang teleradyo interview, "Sa ngayon, although mas kaunti siya kumpara sa mga kaso nu’ng March o April, medyo madami-dami pa rin po ang mga pasyente nating nakikita lalo na sa ICU... Medyo marami kaming nakikitang severe to critical. We would expect ito po ay magtutuloy pa.


"Kailangan sigurong maghinay-hinay muna tayo, 'wag munang luwagan ang quarantine measure kasi mas mahirap pong bumalik sa total lockdown."


Nanawagan din si Limpin sa pamahalaan na tulungan ang mga probinsiya sa laban kontra-COVID-19.


Aniya pa, "Ang kanilang ICU capacity, napupuno na rin ho. Sila po ay humihingi na ng tulong sa ‘min.”


Samantala, noong Linggo, nakapagtala ang bansa ng 7,302 karagdagang kaso ng COVID-19, at sa kabuuang bilang ay umabot na ito sa 1,315,639 cases kung saan 59,865 ang aktibong kaso at 22,788 ang mga pumanaw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page