top of page
Search
BULGAR

Paglikha ng trabaho, dapat tutukan ng gobyerno

ni Ryan Sison - @Boses | December 10, 2022


Mula sa 2.50 milyon, bumaba sa 2.24 milyong Pinoy ang walang trabaho hanggang noong Oktubre ng taong ito.


Base sa isinagawang Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Oktubre, ang 2.24 milyong Pinoy na walang trabaho ay katumbas ng 4.5% ng unemployment rate kumpara sa 5% noong Setyembre 2022.


Nabatid na ito umano ang pinakamababang unemployment rate na naitala mula nang pre-pandemic noong Oktubre 2019.


Ayon sa datos, nanguna bilang top employer na may 59.2% share sa labor market ang service sector, na sinundan ng agriculture industry na may 22.5% at 18.3%.


Samantala, tumaas naman sa 6.67 milyon o katumbas ng 14.2% ang underemployment o ‘yung mga naghahanap ng iba pang trabaho o dagdag na work hours.


Mas mataas umano ito nang 13.8% na underemployment rate sa 6.54 milyon na naitala noon.


Bago matapos ang taon, magandang balita na tuloy sa pagbaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Nangangahulugan ito na nadagdagan ang oportunidad para magkatrabaho, marahil ay dahil na rin sa umuusad na ekonomiya.


Batid natin na malaking tulong ang mga job fair, mapa-online man o face-to-face ang mga ito.


Gayunman, sa mga susunod na buwan, umaasa tayo na gumagawa pa ng mga hakbang ang gobyerno para makalikha ng mas maraming trabaho nang sa gayun ay mas marami pa tayong kababayan na magkaroon ng hanapbuhay.


Kung mas maraming nagtatrabaho, bukod sa may pantustos na sa kani-kanilang pamilya, mas mabilis ding uusad ang ekonomiya.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page