top of page
Search

Paglalagay ng health warnings sa pakete ng sigarilyo

BULGAR

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 8, 2025



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Batid ko na may mga health warnings sa pakete ng sigarilyo na aking binibili. Nais ko lang malaman kung maaari pa rin bang magbenta ng sigarilyo kung walang nakaimprentang health warnings sa pakete nito. Hindi ba ito isang paglabag sa batas? Salamat sa inyo.

Don-Don, Jr.


 

Dear Don-Don, Jr.,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 10 ng Republic Act (R.A.) No. 10643, o kilala sa tawag na, “The Graphic Health Warnings Law”, na nagsasaad na:


Section 10. Prohibition on Sales. – No person or legal entity shall sell or commercially distribute or display any cigarette or tobacco product without ensuring that the labels and packages, as well as any other container used in displaying the cigarette or tobacco products, meet the requirements under this Act. Manufacturers, importers, retailers and distributors of tobacco products shall ensure the removal from all displays of noncompliant tobacco products manufactured, imported, distributed or sold by them eight (8) months after the Graphic Health Warnings are required, as mandated under Section 6.


Noncompliant packages thereafter found in the market on display, for sale or distribution shall be subject to removal and/or confiscation.”


Ang ating gobyerno ay nagpatupad ng batas patungkol sa pagbebenta ng sigarilyo. Isa sa mga itinakdang polisiya ng nasabing batas ang pagprotekta at pagtaguyod ng karapatan sa kalusugan ng mga tao, at pagtanim sa kanila ng kamalayan sa kalusugan. Dahil din dito, pinoprotektahan ng ating gobyerno ang mga mamimili mula sa mga malpractice sa kalakalan at mula sa mga substandard na produkto ng tabako. 


Ganoon din ay kinikilala ng ating gobyerno, na batay sa datos, ang mga babala sa teksto ay hindi sapat sa paghahatid ng mga panganib ng mga produktong tabako, habang ang graphic health warnings ay mas epektibo sa paghahatid ng katotohanan tungkol sa mga panganib ng pagkakalantad at pagkonsumo ng usok ng tabako.


Kung kaya, bilang kasagutan sa iyong katanungan at base sa nabanggit na probisyon ng batas, walang tao o legal na entity ang dapat magbenta, magkomersyo, o magpakita ng anumang sigarilyo o produktong tabako nang hindi tinitiyak na ang mga etiketa at pakete, gayundin ang anumang ibang lalagyan na ginagamit para sa sigarilyo o ibang mga produktong tabako, ay nakatutugon sa mga kinakailangan sa ilalim ng R.A. No. 10643. 


Sang-ayon din sa nasabing batas, dapat tiyakin ng mga taga-gawa, importers, retailers, at distributors ng mga produktong tabako ang pag-alis mula sa kanilang mga establisimyento ng lahat ng mga hindi sumusunod (non-compliant) na mga produktong tabako na ginawa, na-import, ipinamahagi o ibinebenta nila, gaya ng ipinag-uutos sa ilalim ng Seksyon 6 ng parehong batas.  Ang mga hindi sumusunod sa nasabing batas ay sasailalim sa pag-alis at/o pagkumpiska ng mga nasabing produkto ng ating mga otoridad.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page