top of page
Search
BULGAR

Paglalabas ng pangalan ng traffic violator, bawal — MMDA

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 16, 2023




Ipinagbabawal ang paglalabas ng pangalan ng mga traffic violators sa ilalim ng Data Privacy Act, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes ngayong Huwebes.


“Hindi po dapat binabanggit ‘yung mga pangalan ng mga nahuhuli. Sufficient na po ‘yung ma-isyuhan ng ticket na penalty… May Data Privacy Law po tayo na nagpo-protect ng information na ‘to… Kaya itong pagsasabi ng mga pangalan na ito ay clearly a violation po nitong Data Privacy [Act],” paliwanag ni Artes sa isang press conference.


Nagbigay ng pahayag ang MMDA chief sa gitna ng suspensyon ni Task Force Special Operations chief Bong Nebrija.


Ayon kay Artes, bahagi ng dahilan ng pagsuspinde kay Nebrija ay ang maling pahayag nito na nahuli ang dating Ako-Bicol party-list Representative Christopher Co at Senador Ramon Revilla sa paggamit ng EDSA bus lane.


Itinanggi nina Revilla at Co ang alegasyon. 'Di kalaunan, humingi ng paumanhin ang MMDA kina Revilla at Co.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page