ni Jasmin Joy Evangelista | October 10, 2021
May posibilidad umanong payagan ng pamahalaan na makalabas ang mga bata sa panahon ng Kapaskuhan, ayon sa Department of Health.
Ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kailangan daw na magpatuloy ang pagdating ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccine at mabakunahan na rin ang mga menor de edad na may comorbidity, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sisimulan na ngayong buwan ang pagbabakuna sa mga indibidwal na nasa edad 12 hanggang 17, pero priority ang mga may comorbidity o dati nang iniindang sakit.
Pero aniya, desisyon pa rin daw ito ng inter-agency task force (IATF) on COVID-19 at mga eksperto, sabi ng opisyal.
"But looking at the case data, tinitingnan natin, kung mauumipasahan na rin ang dose with comorbidity sa mga kabataan, kung atin pong magtuloy-tuloy at mag-stablize and ating supplies, mayroon naman pong posibilidad," ani Vergeire.
“Kung magtutuloy-tuloy po iyan at maipagpapatuloy po natin ang pagkontrol nitong transmission ng sakit na ito, sana po tayo po ay lahat ay nagho-hope that by Christmas time, magkakaroon po tayo ng mas maluwag na classification and restrictions sa ating mga kababayan,” dagdag niya.
Comments