ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 14, 2020
Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas sa kontrobersiyal nitong mañanita sa kaarawan nito noong Mayo dahil sa alegasyong paglabag nito sa mass gatherings at social distancing rules.
Sa isang video clip na inilabas ng Palasyo, saad ni P-Duterte, “Alam mo kasi ‘yang mañanita, it’s a religious, almost a religious ritual. Nakaugalian na talaga ng mga Pilipino. Hindi kasalanan ng pobreng Sinas na ‘yan na pumunta sila roon, hindi naman niya alam.
“At kung may kasalanan siya roon, pardon na siya. Wala akong nakitang kasalanan na masama na may moral implications, may kasamang malisya, wala.”
Depensa pa ni P-Duterte, “Hindi naman kailangang maglabas siya roon ng mga mask. It happened. Well, it was bad na ‘yung mga pumunta roon, hindi nila inisip. But dahil naman sumusunod lang sila sa almost religious practice of mañanita.
“We sing a person a happy birthday and wishing para naman i-endear ng tao sa trabaho niya at sa buhay niya. Maliit na bagay ‘yun.”
Comments