top of page
Search
BULGAR

Paglabag sa batas-trapiko ng PUV driver, dobleng Demerit Points

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 17, 2024


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang drayber ng pampublikong sasakyan. Ako ay minsang nahuli dahil nagsakay ako ng ilang pasahero sa bubong ng aking jeep. Ito ay isang ‘less grave violation’ na mayroon lamang tatlong demerit points. Noong ako ay nag-renew ng driver’s license, ako ay nagulat na anim na demerit points ang meron ako. Ito ay sapagkat ako raw ay drayber ng pampublikong sasakyan at doble ang demerit points para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan. Tama ba ito? -- Myka


Dear Myka,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Section 12 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10930 na may pamagat na “An Act Rationalizing and Strengthening the Policy Regarding Driver’s License by Extending the Validity Period of Driver’s License, and Penalizing Acts in Violation of its Issuance and Application Amending for those Purposes Section 23 of Republic Act No. 4136, as Amended by Batas Pambansa Blg. 398 and Executive Order No. 1011, otherwise known as the Land Transportation and Traffic Code”, kung saan nasasaad ang mga pagkakataon na doble ang demerit points ng isang violation. Sang-ayon sa nasabing patakaran:


Section 12. Double Demerit Points. -- Drivers of public utility vehicles (PUV) shall be meted double the number of demerit points for every traffic violation committed while operating a For Hire motor vehicle. This provision shall likewise apply to a driver of a private motor vehicle operating as a PUV but without proper authority from the Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). 


Sang-ayon sa nasabing patakaran, doble ang aplikasyon ng demerit points sa mga pagkakataon na ang isang drayber ng pampublikong sasakyan ay magkaroon ng paglabag sa batas-trapiko habang nagmamaneho ng pampublikong sasakyan.  


Gaya sa iyong kaso, bilang drayber ng pampublikong sasakyan na nagkaroon ng paglabag ng batas-trapiko, ang demerit points na nakalaan para sa iyo ay doble sa karaniwang ipinapataw na demerit points.  


Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page