ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Enero 27, 2024
Bumungad sa pagbabalik-sesyon ng ating Kongreso ang nakakaimbiyernang isyu ng pagkupit daw sa mga ayuda ng DSWD sa ating mga mahihirap na kababayan!
Abah, eh, pinatunayan mismo ng mga biktima na binawasan daw ng mga sinasabing tauhan ng munisipyo sa Davao de Oro at Davao del Norte ang kanilang ayuda.
Sumbong ng isa, P10K ang dapat niyang matanggap na educational assistance at nang palabas na siya matapos makuha ang pera, pinabalik siya at kinuha ng ‘di kilalang tauhan daw ng munisipyo ng Carmen ang isanlibong piso! Grabe ha!
Kapal muks naman ‘yan, lantaran ‘yang pangongotong ha! Mahiya naman kayo!
Sabi ng mayor, ‘di niya alam ang pangongotong na ito ha! Kaya mega-aksyon siya at ipaiimbestiga raw!
Ayon sa ating mga kasamahan sa DSWD, obviously wala na silang kontrol du’n, dahil ang mga taga-LGU na ang may hawak dito.
Hindi lang iisa ang lumantad sa Senado para tumestigo sa ganyang lantarang pangingikil, marami sila!
Kaya naman naisip din ng ating mga kapwa senador na maaaring hindi lang ito nangyayari sa mga probinsiya pati na rin sa Metro Manila.
Ang tindi naman ng mga kawatan ngayon no! Lantaran na! Kapal muks nila!
Sa ganang akin, IMEEsolusyon d’yan, mag-isyu ng resibo. Dapat may kopya pareho ang nagbigay at tatanggap.
And then, kailangan ang listahan ay maibigay mismo sa taga-DSWD!
IMEEsolusyon ko rin na if may chance, baka puwedeng ianunsyo at ilagay sa FB page ng bawat lugar ang lists ng mga mabibigyan, na may access ang mga residente, munisipyo at maging DSWD para makita at mag-match sa hawak nilang hard copy na mga listahan.
Konting tiyagaan lang talaga para may transparency! ‘Di bah!
IMEEsolusyon din na talagang higpitan ng DSWD ang pagbabantay!
Dapat talaga namo-monitor at ma-audit kung kinakailangan ng bawat ahensya!
Higit sa lahat, IMEEsolusyon na mabusisi talaga itong mabuti at agad na mapanagot ang mga may sala!
NO TO AYUDA SCAM! Plis lang maawa naman kayo sa mahihirap nating mga kababayan!
Comments