ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 24, 2024
Dear Chief Acosta,
Ako ay isang food technologist. Kung sakaling ako ay matatanggalan ng lisensya, maaari ba na maibalik pa itong muli? -- Anton
Dear Anton,
Ang batas na sasaklaw patungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 11052 o kinikilala bilang Philippine Food Technology Act. Nakasaad sa Section 22 ng RA No. 11052 ang sumusunod:
“Section 22. Reinstatement, Reissuance or Replacement of Certificate of Registration and Professional License. - Two (2) years after the date of revocation, the Board may, upon application and for reasons deemed proper and sufficient, reinstate any revoked certificate of registration and reissue a professional license, and in so doing, may, in its discretion, exempt the applicant from taking another examination.
A new certificate of registration or professional license or special permit, to replace lost, destroyed or mutilated ones may be issued subject to the rules as implemented by the Board.”
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang isang food technologist na tinanggalan ng rehistro o lisensya ng Professional Regulatory Board of Food Technology (Board) ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa Board upang maibalik ang nasabing rehistro o lisensya makalipas ang dalawang taon mula nang ito ay bawiin o tanggalin.
Kaugnay nito, ang Board ay maaaring magpasya kung ang nasabing aplikante ay hindi na muling sasailalim sa pagsusulit bago mabigyan uli ng rehistro o lisensya. Kung sakali man na sila ay magpasya, marapat na bigyan muli ng rehistro o lisensya ang isang food technologist na nauna nang bawian nito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
תגובות