ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 05, 2023
Dear Chief Acosta,
Kinasuhan ko ang aking dating asawa ng paglabag sa R.A. 9262 dahil sa ‘economic abuse’ na aking dinaranas. Kami ay humingi ng Permanent Protection Order at ng halagang 1/3 ng kanyang sahod bilang buwanang suporta. Kami ay nanalo sa kaso ngunit ngayon ay kinukuwestiyon niya ang utos ng korte sa kanyang employer na ihiwalay na ang 1/3 ng kanyang sahod at direktang ibigay sa akin. Ito diumano ay paglabag sa karapatan ng kanyang employer dahil hindi naman diumano ito naisama sa kaso. Tama ba ito? - Aida
Dear Aida,
Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Edward Cumigad y De Castro v. AAA, G.R. No. 219715, December 6, 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, kung saan sinabi ng Korte Suprema na maaaring utusan ang isang employer na ihiwalay ang halaga para sa support mula sa sahod ng kinasuhang akusado. Ayon sa Korte Suprema:
“This Court also notes that petitioner’s employer, despite not being impleaded here, is bound to comply with the order requiring the deduction of one-third from petitioner’s earnings or income as child support. This is in line with the mandate of Republic Act No. 9262, as reinforced in Republic v. Yahon and Mabugay-Otamias v. Republic.
In Yahon, the petitioner, the Armed Forces of the Philippines, claimed that it was not bound by the temporary protection order issued by the trial court because it was neither impleaded in the case nor served with summons. Hence, it could not be compelled to deduct 50% from the retirement benefits and pension of its enlisted personnel to be remitted to the wife.
This Court rejected the petitioner’s argument and held that Section 8(g) of Republic Act No. 9262, being a later law, is an exception to the general rule exempting retirement benefits from execution.”
Sang-ayon sa nasabing desisyon, kahit hindi naisama sa kaso ang employer na isang respondent sa isang kaso ng violence against women and their children (VAWC) ay maaari pa rin itong utusan ng korte na awtomatikong ihiwalay ang halagang nakalaan para sa suporta at ibigay ito diretso sa biktima. Ito ay tinayuan na ng Korte Suprema sa ilang kasong dinesisyunan nito, at sang-ayon ito sa adhikain ng Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) na bigyang hustisya ang mga biktima ng pang-aabuso sa aspetong pang-ekonomiya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments