ni Angela Fernando - Trainee @News | December 6, 2023
Nagkaisa ang House of Representatives nitong Miyerkules na aprubahan ang resolusyong nagpapahayag ng pagkondena sa 'di makatarungang pagsalakay ng China sa West Philippine Sea.
Naglalayon ang House Resolution 1494 na udyukan ang pamahalaan na palagan at ipaglaban ang karapatan ng 'Pinas sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa na kinikilala ng Hague-based Permanent Court of Arbitration (PCA).
Nakasaad sa resolusyon na dapat bigyang-diin ng bansa ang karapatan sa WPS at ipatupad at panindigan ang ipinanalong teritoryo sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Hague, Netherlands.
Matatandaang idineklara ng PCA nu'ng taong 2016 na ang Panganiban (Mischief) Reef, Ayungin (Second Thomas) Shoal, at Recto (Reed) Bank ay nasa loob ng EEZ ng Pilipinas at ibinasura ang hinaing ng China hinggil sa South China Sea.
Idiniin naman sa resolusyon na ang mga mapanganib na kilos ng China laban sa mga misyon ng bansa at para sa regular rotation and resupply (RORE) sa BRP Sierra Madre ay mas lumalala dahil sa mga sunud-sunod na insidente.
Comments