ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 12, 2024
Nitong September 08 ay natapos na ang 2024 Paralympic Games na sinimulan noong August 28 sa Paris, France.
Anim na Pinoy para athletes ang lumahok sa 2024 Paralympics. Ito ay sina Cendy Asusano, Para Swimming; Agustina Bantiloc, Para Archery; Allain Ganapin, Para Javelin Throw; Ernie Gawilan, Para Swimming; Jerrold Mangliwan, Para Taekwondo; at Angel Otom, Para Athletics.
☻☻☻
Naghain tayo ng resolusyon sa Senado para kilalanin ang galing at pagsisikap ng ating mga para athlete at kanilang mga coach.
Maraming hamon na hinaharap ang mga para athlete para magtagumpay. Ngunit patuloy silang nagpupunyagi.
☻☻☻
Kaugnay nito, mayroon ding panukala na nagnanais na ayusin ang hindi pantay na pagtrato sa ating mga para athletes na nagtatagumpay sa world stage.
Sa kasalukuyan kasi kalahati lang ng natatanggap na financial incentives ng mga ibang national athlete ang ibinibigay sa mga para athlete na nagwawagi sa mga international competition gaya ng Paralympics.
Layunin ng Senate Bill No. 2789 na gawing pantay sa tinatanggap ng ibang atleta ang mga benepisyong makukuha ng para athletes.
Umasa tayong sa lalong madaling panahon ay maisabatas na ito.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments