ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 19, 2023
Maituturing na matagumpay ang nakaraang Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China, para sa bansa.
Nagkamit ang ating mga atleta ng apat na gold, dalawang silver, at 12 bronze medals, na naging sapat para makuha natin ang 17th place.
Ito ang pinakamataas na ranggo natin mula noong 1994, nang makamit natin ang 14th place sa palaro na ginanap sa Hiroshima, Japan.
Sa 395 na atletang Pilipino na lumahok sa Asian Games, maraming salamat sa pagbandera ninyo ng ating bansa!
Patunay kayo ng husay at potensyal ng mga Pilipino na namayagpag at nakipagsabayan sa buong mundo.
Tunay kayong mga bayani.
☻☻☻
Nasa 17 na kababayan nating nagtatrabaho sa Israel ang umuwi na sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers dahil sa kasalukuyang gulo sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ligtas ang kalagayan ng 135 Pilipino sa Gaza, at 78 sa mga ito ang nasa Rafah border at naghihintay na makapasok sa Egypt.
Samahan ninyo ako sa panalangin na sa lalong madaling panahon ay manaig ang kapayapaan at matigil na ang pagkitil ng buhay.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments