top of page
Search
BULGAR

Pagkawasak ng 'built heritage', may negative effect sa socio-economic

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 1, 2023


Naghain tayo ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang epekto ng mga sakuna sa ating mga mahahalagang cultural heritage site.


Layunin ng Senate Resolution No. 642 na matukoy ang structural integrity ng ating mga heritage site bilang isang hakbang sa proteksyon at konserbasyon nito.


Binibigyang-diin ng pagkasunog kamakailan ng Manila Central Post Office ang pangangailangan na protektahan ang ating ‘built heritage.’


Ang built heritage ay tumutukoy sa mga nailikhang istrukturang nagsisilbing saksi sa ating nakaraan, kaya nakakabit sa ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan.


☻☻☻


Ayon sa Unesco, nanganganib ang integridad at nakokompromisa ang halaga ng mga heritage sites dahil sa mga sakuna, maging natural man o gawa ng tao.


May negatibong epekto rin daw ang pagkawala o pagkapinsala ng mga istrukturang ito sa mga komunidad, hindi lang dahil sa kultural na halaga nito kundi pati na rin sa aspetong socio-economic.


☻☻☻


Mahalagang kumilos ang pamahalaan upang maprotektahan ang mga mahahalagang istruktura ng bansa.


Isang hakbang na kailangang gawin ay ang pagsama ng cultural heritage site conservation sa national at local disaster risk reduction and management plan.


Napapanahon nang simulan ng pamahalaan ang pag-assess sa integrity ng mga heritage site sa bansa upang maprotektahan at makonserba ang mga ito ayon sa Republic Act No. 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page