ni Angela Fernando @Local News | June 20, 2024
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Huwebes na halos P700-milyon ang nawala sa sektor ng agrikultura sa rehiyon ng Caraga dahil sa epekto ng El Niño.
Pinangunahan ni Marcos ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang naapektuhan sa Butuan City Sports Complex sa Butuan City, Agusan del Norte. 'Ayon sa aming datos, naapektuhan [ang] 15% ng inyong kabuuang populasyon at 30% ng inyong kabuhayan,'' saad ni Marcos.
Binigyang-diin din niya na libu-libong mga magsasaka at mangingisda ang apektado ng El Niño. Matatandaang inilagay sa ilalim ng state of calamity ang Butuan City nu'ng Hunyo 13 dahil sa El Niño, na nakaapekto sa humigit-kumulang 3,694 magsasaka at mangingisda.
Kommentare