ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 27, 2020
Dear Chief Acosta,
Nakabili ako ng maliit na lupain noong nakaraang taon. Nais ko sanang ipaputol ang mga puno ng acacia na nakatanim doon upang makapagpatayo ako ng bahay. Totoo bang kailangan ko ng permit para rito kahit na ang lupa ay pag-aari ko? – Ulysses
Dear Ulysses,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa pagpuputol ng puno ay ang Presidential Decree (P.D.) No. 705, o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 68 ng P.D. No. 705 ang mga sumusunod:
“Section 68. Cutting, Gathering and/or Collecting Timber or Other Forest Products Without License. Any person who shall cut, gather, collect, remove timber or other forest products from any forest land, or timber from alienable or disposable public land, or from private land, without any authority, or possess timber or other forest products without legal documents as required under existing forest laws and regulations, shall be punished with the penalties imposed under Articles 309 and 310 of the Revised Penal Code: Provided, that in the case of partnerships, associations, or corporations, the officers who ordered the cutting, gathering, collection or possession shall be liable, and if such officers are aliens, they shall, in addition to the penalty, be deported without further proceedings on the part of the Commission on Immigration and Deportation.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, ang isang taong nais na magputol ng puno sa kagubatan o kahit sa kanyang pribadong lupa ay nangangailangan ng lisensiya o permit mula sa kinauukulan o authority. Hindi basta maisagagawa ang pagpuputol nang walang kaukulang pahintulot. Ang sinumang lumabag dito ay maaaring maparusahan alinsunod sa Artikulo 309 at 310 ng Revised Penal Code kung saan nakasaad na ang pinakamataas na parusa ayon sa halaga o value ng puno ay prision mayor maximum o kulong ng anim (6) na taon at isang (1) araw hanggang labindalawang (12) taon.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Comments