top of page
Search
BULGAR

Pagkakaiba ng Type 1 at Type 2 diabetes, alamin!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | July 12, 2020



Dear Doc. Shane,


Ano ba ‘yung tinatawag na Type 1 at Type 2 sa diabetes? Bakit kinakailangan pa mag-insulin samantalang ‘yung iba ay umiinom lang ng oral meds para diabetes nila? – Amelia


Sagot


Kapag tumaas ang asukal sa dugo, naglalabas ang pancreas ng insulin. Ang asukal sa dugo ay naa-absorb ng katawan dahil sa insulin. Ang asukal na hindi pa gagamitin ng katawan ay naiimbak lamang sa atay at muscles. Dahil sa insulin, hindi tumataas ang asukal sa dugo.


Paano kung may diabetes?


Sa Type 1 diabetes, nasisira ang pancreas kaya wala itong insulin na nailalabas. Kung Type 2 diabetes naman, kulang ang insulin at may insulin resistance (hindi gumagana nang mabuti ang insulin sa katawan). Umaakyat ang asukal sa dugo dahil hindi ito naa-absorb ng katawan. Kaya kailangang magturok ng insulin o uminom ng gamot para bumaba ang asukal sa dugo.


Tumataas ang asukal sa dugo kung:

  • Hindi sumusunod sa tamang diet para sa diabetes

  • Kulang sa ehersisyo

  • May sakit o impeksiyon

  • Bagong opera o under stress sa pamilya o trabaho

  • Umiinom ng gamot na nakakataas ng asukal sa dugo (tulad ng steroids)

  • Kulang ang dosage ng gamot

  • Kulang ang units ng itinuturok na insulin, mali ang pagturok ng insulin o pagturok ng insulin na paso (expired) na


Kung may diabetes ang isang tao, dapat mapanatili ang fasting blood sugar sa 90-130 mg/dL (5-7.2 mmol/L) at ang HbA1c na mas mababa sa 7%.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page