top of page

Pagkakaiba ng pirma, hindi agad maituturing na pineke

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Apr. 15, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ang pagkakaiba ba ng pirma ng iisang tao sa dalawang magkaibang dokumento ay maaaring maituring na pamemeke o forgery? — Chloe


 

Dear Chloe, 


Ang sagot sa iyong mga katanungan ay binigyang-linaw ng Korte Suprema sa kasong Valenzuela vs. Margarito, Jr., (G.R. No. 246382, 14 July 2021) sa panulat ni Hon. Associate Justice Rosmari D. Carandang. Ayon sa nabanggit na kaso:


“[T]he Court explained the factors involved in the examination and comparison of handwritings in this wise:


The authenticity of a questioned signature cannot be determined solely upon its general characteristics, similarities or dissimilarities with the genuine signature. Dissimilarities as regards spontaneity, rhythm, pressure of the pen, loops in the strokes, signs of stops, shades, etc., that may be found between the questioned signature and the genuine one are not decisive on the question of the former’s authenticity. The result of examinations of questioned handwriting, even with the benefit of aid of experts and scientific instruments, is, at best, inconclusive. There are other factors that must be taken into consideration. The position of the writer, the condition of the surface on which the paper where the questioned signature is written is placed, his state of mind, feelings and nerves, and the kind of pen and/or paper used, play an important role on the general appearance of the signature. Unless, therefore, there is, in a given case, absolute absence, or manifest dearth, of direct or circumstantial competent evidence on the character of a questioned handwriting, much weight should not be given to characteristic similarities, or dissimilarities, between that questioned handwriting and an authentic one. xxx


While there may be slight dissimilarities, these appear to be natural and inevitable variations that may be expected even in genuine signatures made by one and the same person.” 


Alinsunod sa mga nabanggit na desisyon ng Korte Suprema, ang pagkakaiba sa pirma ay hindi kaagad nangangahulugan na mayroong pamemeke o forgery. Ang mga pagkakaiba sa usaping spontaneity, ritmo, pressure ng panulat, mga loop sa mga marka, mga palatandaan ng paghinto, mga anino, at iba pa na maaaring matagpuan sa pagitan ng pinagdududahan at tunay na pirma ay hindi tiyak sa usapin ng pagiging tunay o genuine ng isang pirma.


Dagdag pa ng Korte Suprema, bagaman maaaring may kaunting pagkakaiba, posible rin na ito ay dulot ng likas at hindi maiiwasang pagbabago na maaaring maaasahan kahit sa mga tunay na lagda ng isang tao.


Sa madaling salita, may ibang mga salik pa na dapat isaalang-alang tulad ng posisyon ng manunulat, ang kondisyon ng patungan kung saan nakalagay ang papel na may pinagdududahang lagda, ang estado ng isip, damdamin, at nerbiyos ng manunulat, at ang uri ng panulat at/o papel na ginamit. Ang mga nabanggit ay nararapat ikonsidera sapagkat ang mga ito ay may mahalagang papel sa pangkalahatang hitsura ng lagda. 


Samakatuwid, maliban na lamang kung sa isang partikular na kaso ay may ganap na kawalan, o malinaw na kakulangan ng direkta o circumstantial na ebidensya tungkol sa katangian ng isang pinagdududahang pirma, hindi dapat bigyan ng labis na halaga ang mga katangiang pagkakatulad, o pagkakaiba, sa pagitan ng pinagdududahang pirma at tunay na pirma.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page