ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 23, 2021
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung ano ang business ang bagay sa akin? Sa ngayon, balak kong mag-apply muna para makapagtrabaho sa mga fast food company. HRM ang natapos kong kurso at gusto kong magamit ito sa pagtatrabaho, makakapasok ba ako? Gayundin, makapag-a-abroad ba ako, kung oo, kailan ito mangyayari? July 15, 1994 ang birthday ko at November 13, 1990 naman ang birthday ng live-in partner ko, siya na ba ang makakatuluyan ko at makakasama habambuhay? Sa pagkakaalam ko, Taong Sais (6) ako sa destiny na 9, tama ba ako?
Umaasa,
Ms. Cancer ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Ms. Cancer,
Tama ang pag-aanalisa mo sa sarili mong mga datos, kung saan ikaw ay may birth date na 6 (ang 15 ay 1+5=6) sa destiny number na 9 (7+6+1994=2007/ 20+07=27/ 2+7=9) at zodiac sign na Cancer. Habang ang live in-partner mo naman ay Taong Kuwatro (4) dahil ang 13 ay 1+3=4, sa destiny number na 7 (11+13+1990=2014/ 20+14=34/ 3+4=7) at zodiac sign na Scorpio.
Ibig sabihin, compatible kayo dahil kapwa kayo pinangingibabawan ng water type signs na Cancer at Scorpio. Ganundin ang destiny number na 7 ng ka-live in mo at ang birth date niyang 4 ay tugma sa zodiac sign mong Cancer.
Habang ang destiny number mo namang 9, ang siya namang numero ng ruling planet na Mars, na nangingibabaw sa zodiac sign na Scorpio ng boyfriend mo. Dahil 9 ang numero ng planetang Mars, puwede na ring sabihing tugma ito sa birth date mong 6, dahil ang numerong 9, 6 at 3 ay kapwa pasok sa tinatawag numerong series of 3-6-9.
Kaya sa iyong tanong kung kayo ng live-in-partner mo ang magkakatuluyan, positibo ang tugon. Ibig sabihin, uusad nang uusad ang kumpol pang mga taon at mahabang panahon, mananatiling buo ang inyong relasyon at mananatili ring mainit ang inyong pagmamahalan.
Samantala, ayon sa zodiac sign mong Cancer, mapalad ka sa lahat ng produktong may kaugnayan sa tubig, halaman, mga berdeng bagay at sa lahat ng kalakal o produkto na nakukuha sa tubig.
Habang, ang birth date mo namang 6 ay nagsasabing mapalad ka rin sa mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain, mga produktong niluluto at kalakal na tinitimpla at malasa, ganundin sa lahat ng produktong pampaganda tulad ng pabango at mga halamang pandekorasyon at lahat ng kalakal na pampaganda sa katawan.
Hinggil naman sa plano mong pumasok o magtrabaho muna sa mga fast food companies, positibo rin ang tugon. Ito ay dahil ang nasabing mga kumpanya ay may kaugnayan sa pagkain, kaya sa nasabing propesyon o hanapbuhay, may tsansa na ikaw ay palarin at umunlad.
Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, anuman ang kongkretong pinaplano mo sa buhay ngayon, tiyak na ang lahat ng ito ay magsisimula at isa-isa nang matutupad sa taong kasalukuyan hanggang sa taong 2022, sa edad mong 27 pataas.
Comments