top of page
Search
  • BULGAR

Pagiging pugante, pinanindigan na yata ni Harry Roque

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 3, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

IMPOSIBLE ANG SURVEY NG SWS, KASI HINDI KAPANI-PANIWALA NA SI SEN. BONG GO, MALAGAY SA RANK 11 -- Napakaimposible ang latest survey ng SWS kasi mantakin n’yo si Sen. Bong Go na siyang may akda ng Malasakit Center kung kaya’t free hospitalization na ang karamihan sa mga public hospital na ang nakikinabang ay milyun-milyong mahihirap na Pilipino, bukod sa kanyang Super Health Center na free laboratory na mga mahihirap na Pinoy din ang nabiyayaan, ay inilagay ng survey firm na ito sa rank 11.


‘Ika nga, sablay ang survey na ito ng SWS kasi majority Pinoy ang hindi naniniwala na malagay sa rank 11 ang epektibo at working senator na si Sen. Bong Go, at dahil diyan lumalabas ngayon na ang survey na ito ay may layuning ilaglag sa ranking ang nabanggit na senador, period!


XXX


HANGGA’T NAMAMAYAGPAG ANG PORK BARREL POLITICIANS AT POLITICAL DYNASTY, WALA NANG PAG-ASANG UMASENSO ANG ‘PINAS -- Kung susuriin ang mga lumabas na senatorial survey, ang karamihan sa pumapasok sa top 12 ay mga pork barrel politicians at political dynasty.


Dahil diyan ay huwag nang umasa ang mamamayang Pinoy na aasenso sa kanilang pamumuhay kasi hangga’t mga pork barrel politician at political dynasty ang namamayagpag sa pulitika, wala nang pag-asang umasenso ang ‘Pinas, boom!


XXX


TALO NG MGA SIKAT NA CELEBRITY ANG MGA RESPETADONG PULITIKO NA MAY MAGANDANG TRACK RECORD -- Ang daming celebrity ang mga nagsipag-file ng kanilang mga kandidatura sa iba’t ibang posisyon sa buong bansa, at dahil sila ay mga sikat, karamihan sa kanila ay may tsansang manalo.

Sa sistema kasi ng eleksyon sa ‘Pinas, hindi na tinitingnan ng majority Pinoy ang track record ng mga kandidato, dumepende na ang mga botante sa kung sino ang sikat ang apelyido, ‘yun ang iboboto nila.


‘Ika nga, sa panahon ngayon, talo ng mga sikat na celebrity ang mga respetadong pulitiko na may mga magagandang track record, tsk!


XXX


PINANINDIGAN NA YATA NI HARRY ROQUE ANG PAGIGING PUGANTE -- Matapos tablahin ng Supreme Court (SC) ang hirit ng kampo ni former presidential spokesman Harry Roque na itigil ang pag-iimbestiga sa kanya (Roque) ng Kamara, ay nagpalabas ng statement ito na hindi pa rin daw siya dadalo sa imbestigasyon ng Quad-Committee tungkol sa pagkakasangkot niya sa POGO.


Kumbaga, pinanindigan na talaga ni Harry Roque ang taguri sa kanya ng Quad-Committee na isa siyang pugante, boom!


Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page