top of page
Search

Paghihigpit sa mga patalastas ng produktong tabako

BULGAR

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 28, 2025



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ang mga anak kong menor-de-edad ay mahilig manood ng mga palabas sa telebisyon. May mga pagkakataong natutuwa silang manood ng mga patalastas sa pagitan ng mga palabas na kanilang napapanood. Bilang isang magulang, nais kong tiyakin na wala silang mapapanood na may kinalaman sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo, o paggamit ng mga produktong tabako. Mayroon bang batas na nagbibigay ng paghihigpit sa pag-advertise ng mga produktong tabako? Salamat sa iyong sagot. -- Dam-Dam


 

Dear Dam-Dam, 


Ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 15 at 19 ng Republic Act (R.A.) No. 9211, o mas kilala sa tawag na “Tobacco Regulation Act of 2003,” kung saan nakasaad na:


SECTION 15. Restrictions on Advertising. — The following restrictions shall apply to all tobacco advertising:


a. Advertisements shall not be aimed at or particularly appeal to persons under eighteen (18) years of age.

b. Advertisements shall not feature a celebrity or contain an endorsement, implied or express, by a celebrity.

c. Advertisements shall not contain cartoon characters or subjects that depict humans or animals with comically exaggerated features or that attribute human or unnatural characteristics to animals, plants or other objects.

d. Advertisements shall only depict persons who are or who appear to be above twenty-five (25) years of age.

e. Advertisements shall not show, portray or depict scenes where the actual use of, or the act of using, puffing or lighting cigarettes or other tobacco products is presented to the public. x x x


SECTION 19. Restrictions on Television and Radio Advertising. — Advertisements shall not be broadcast on television, cable television, and radio between seven o’clock in the morning and seven o’clock at night.”


Batay sa nabanggit na batas, nagtakda ito ng mga paghihigpit na patakaran ukol sa pag-advertise ng mga produktong tabako tulad ng mga sumusunod: a) ang patalastas ay hindi dapat partikular na naglalayon na umapela sa mga menor-de-edad o sa mga wala pang 18 taong gulang; b) ang mga celebrity ay hindi dapat itampok sa advertisement o magpahiwatig o hayagang mag-endorso ng mga produktong tabako; c) dapat walang cartoon character o anumang bagay na maglalarawan ng mga tao o hayop o anumang katangian ng isang tao o hindi likas na katangian sa mga hayop, halaman o iba pang bagay; d) ang mga taong dapat makita sa patalastas ay yaong mukhang higit sa 25 taong gulang; at e) ang mga patalastas ay hindi dapat magpakita o maglarawan ng mga eksena kung saan ang aktuwal na paggamit ng, o ang pagkilos ng paggamit, pagbubuga, o pagsindi ng sigarilyo o iba pang produktong tabako ay ipinapakita sa publiko.


Dagdag pa rito, hindi pinapayagan ang mga patalastas ng mga produktong tabako sa telebisyon, cable television at radyo sa pagitan ng alas-7 ng umaga (7:00 a.m.) at alas-7 ng gabi (7:00 p.m.). Kaugnay nito, kung mapatunayan na ang nasabing probisyon ng batas ay nilabag ng isang tao o kumpanya, mayroong kaukulang parusa na pagbabayad ng multa o pagkakakulong, o pareho, alinsunod sa Seksyon 32(c) ng R.A. No. 9211.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page