ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 17, 2024
Photo: Alden Kath - HLA
Grabe pala ang kissing scenes nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang movie na Hello, Love, Again (HLA). Iba talaga ang touch ni Direk Cathy Garcia-Sampana, nakuha niya ang kiliti ng mga KathDen fans.
May komento lang ang mga KathNiel fans, inggit much sila sa napakaraming kissing scenes ng KathDen.
Noon daw kasi, kapag may mga eksenang halikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, tila ingat na ingat pa si Daniel na lumapat ang labi niya sa labi ng ex-girlfriend.
Well, napanood namin ang movie, maging kami ay na-shock sa dami ng halikan ng KathDen. Aba, palaban si Kath, ibang-iba na talaga siya, lalo na sa akting.
Habang tumatagal at nagma-mature ang aktres, lalo siyang gumaganda, plus the fact na humuhusay ang acting ability niya.
Narinig nga naming komento ng isang grupo ng maka-KathDen…
“Grabe na si Kath, lumalaban ng halikan kay Alden. In fairness, nakakakilig sila.”
“Wish ko na sana ay ligawan na ngang tuluyan ni Idol si Kath.”
“Hahahaha! Parang revengeful ang mga halik ni Kath to the point na kino-close-up pa ni
Direk Cathy. ‘Yan siguro ang way ni Kath na paghihiganti n’ya kay Deejay.”
“Inggit much naman si Idol, ang suwerte n’ya dahil ilang beses n’yang natikman ang mga labi ni Kath. Ano'ng sey mo, Deejay?”
Tanong naman ng isang fan, “Panoorin kaya ni Deejay ang Hello, Love, Again?”
That’s a big question mark, sa isip-isip namin.
Idinadaan pa sa socmed, Bea… SUE AT DOMINIC, MAY PA-"GOODNIGHT" NA SA ISA'T ISA
NAGING usap-usapan muli sina Sue Ramirez at Dominic Roque dahil sa kanilang posted IG Story na parehong patulog na.
Maraming nakapag-screenshot ng naturang IG Story ng dalawa.
Sa naturang mga larawan ay tila nagsasabihan sila ng goodnight. Si Sue ay tila ready na para matulog, while si Dom naman ay madilim ang background na tila nasa kuwarto at naka-off ang ilaw.
Sa post ni Dom ay mababasa sa lower right corner ang salitang “Night.”
Kinilig ang mga netizens sa sweet goodnight messages ng bagong rumored couple.
Komento nila…
“Lost souls hurt hearts meet.”
“Ayie, bagay naman sila…”
Pagkontra naman ng isa na baka fan ni Bea Alonzo na ex-GF ni Dominic, “Sus! Si Dom umayaw, then s’ya pa nasaktan? Gullible ka rin, eh.”
“Maniwala ka na umayaw, baka hinamon si Bea na mag-break kasi hindi n’ya nakuha ang gusto n’ya, tapos ginamit ni Bea ang utak n’ya and nag-agree na lang si Bea,” espekulasyon naman ng isa.
“Ay, bakit? ‘Pag umayaw ka ba, ibig sabihin, hindi masakit? Hindi mo naisip na baka sobrang sakit na kaya nag-let go na s’ya? Ikaw ang gullible. Oh, come on! Kailan ba tayo magpapanggap na walang mali kay Bea? There’s a pattern na after mag-break, tumatagal naman sa ibang tao mga ex n’ya and nagse-settle na. Mga delulu fans, 'kaloka!” hirit ng isa pa na mukhang nakasubaybay sa love life ni Bea.
“Naging mutual, kasi ayaw ni Bea magpaka-desperada na she will trade her boundaries para lang matuloy ang kasal. May non-negotiable tayong lahat and tama lang na firm si Bea about it. Ang daming marriages na hindi masaya, kaya mas ok ang single life.”
“Ito talaga ‘yung best stage. ‘Yung ligawan stage, sobrang nakakakilig. Tapos, ‘pag naging kayo na, nababawasan na ang kilig. Tapos, 'pag ilang taon na kayo, nakakairita na at buwisit ka na lagi sa partner mo. Hahaha!”
“Bagay sila, single naman parehas. Why not?”
“Yes! Bagay sila. 'Kakilig! Ano'ng uniname nila? DomSue or SueDom? Basta BAGAY sila.”
“Laging naggu-goodnight si Dominic dati pa, kahit walang nali-link. Mahilig mag-post.”
“Parang happy silang pareho, ‘di pilit.”
Oh, ha? May bagong binabantayan ang mga Marites sa socmed.
Comments