top of page
Search

Paghahanda para sa LET 2025: Hakbang tungo sa tagumpay

BULGAR

ni Phamela Gabriela Manuel (OJT) @Life & Style | Feb. 22, 2025





Naghahanda ka na rin ba para sa paparating na Licensure Examination for Teachers (LET) ngayong 2025? 


Todo-review na rin ba ang ginawa mo, subalit pakiramdam mo ay kulang pa rin? Kung ‘yan ang isa sa mga pinoproblema mo, don't worry, dahil narito ako para tulungan kayo!   

  1. ALAMIN ANG STRENGTHS AT WEAKNESSES.  Puwede mong isulat sa isang papel kung saan ka nahihirapan at nadadalian – ito ay isang paraan upang ihanda ang iyong sarili, nang sa gayun ay madali n’yong malaman kung ano ang uunahin at pagpopokusan ng oras.

  2. ALAMIN ANG SARILING PAMAMARAAN NG RE-REVIEW. Maraming paraan ang pagrerebyu. Pero, hindi porke nagwo-work sa iba ang kanilang technique ay magwo-work na rin ito sa iyo. 


Kaya naman, alamin mo kung saang paraan ka komportable, nang sa gayun ay makapagpokus ka sa mga bagay na dapat mong bigyang pansin. 


  1. GUMAWA NG SCHEDULE. Kapag naitala n’yo na ang no. 1 at 2, puwede ka nang gumawa ng schedule. 


Karamihan sa atin ay bet ang pagre-review tuwing madaling araw, dahil sa ganitong mga oras ay wala nang gaanong distraction at tahimik pa ang lugar. ‘Di ba? 

Sa paggawa ng iskedyul, mahalaga na maitala kung ano ang babasahin kada araw. 

Subalit, hinay-hinay lang mga Ka-BULGAR, oki? Huwag ilaan ang buong araw sa pagbabasa. ‘Ika nga, One step at a time”. Gets?

  1. MATULOG AT MAGPAHINGA. Mahirap naman mag-review at magpokus kung kulang ka sa tulog. Importante na makapag-restart din ang inyong katawan, matapos ang mahabang pagbabasa. 


Ang sapat na tulog ay makakatulong upang magkaroon ng sapat na enerhiya at makapagpokus sa mga bagay na mas kinakailangan.


Napakahalaga mag-review, subalit ‘wag n’yo namang ubusin ang inyong araw at oras sa pagbabasa. Lalo na’t hindi naman lahat ng binabasa mo ay lalabas sa araw ng exam. 

Ang pagre-relax at pag-i-enjoy ay nakakatulong din upang mabasawan ang pressure na inyong nararamdaman. 


  1. IWASANG MAG-OVERTHINK. May mga araw na hindi mo talaga maiiwasan ang makaramdam ng stress o pag-o-overthink, lalo na kung nalalapit na ang araw ng exam. 


Subalit, kung puro negatibo ang inyong utak, sa tingin mo ba ay makakapagpokus ka pa? Hindi na, ‘di ba?


Kung sakaling nai-stress at nag-o-overthink ka na sa mga possible situation na nilu-look forward mo, magpahinga ka muna. Oki?


  1. GAMITIN ANG MGA ONLINE REVIEW MATERIALS. Sa panahon ngayon, maraming online resources at review centers na ang puwedeng makatulong sa inyong paghahanda. 

  2. MAGHANDA NG MAAYOS NA KAGAMITAN. Siguraduhing kumpleto ang iyong mga gamit sa araw ng exam: ballpen, valid ID, at anumang iba pang requirement ng PRC. Iwasan ang magdala ng mga gamit na hindi pinapayagan sa exam hall.

  3. HUWAG KALIMUTANG MAGDASAL.  Tandaan mo, may planong inilaan para sa atin ang Diyos. 


Kung makaramdam ka man ng pagod at kawalan ng gana at pag-asa, agad na lumapit sa Diyos, at humingi ng gabay.  


Ilan lamang ‘yan sa mga tips na dapat n’yong tandaan. 


Ang LET 2025 ay isang hakbang patungo sa inyong pangarap na maging isang guro. Sa pamamagitan ng tamang paghahanda, tiyaga at disiplina, tiyak na makakamtan n’yo rin ang inyong layunin. 


Kaya para sa mga magte-take ng exam, take it easy lang. Nawa ay gabayan kayo ng Diyos sa darating na LET 2025. Muli, ‘wag mawalan ng tiwala. Oks? Good luck sa inyong pagsusulit!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page