top of page
Search
BULGAR

Paggamit ng internet signal ng iba

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 30, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ang aming pamilya ay nagbabalak na magpakabit ng internet sa aming tahanan. May nakausap kaming tao na nagsasabing kaya niya itong gawin sa murang halaga. Ayon sa kanya, maaari niyang i-tap ang isang dati nang nakakabit na internet cable at ikonekta ito sa amin. Legal ba ito? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat.


— Rand


 

Dear Rand,


Responsibilidad ng Estado ang pangalagaan ang kapakanan ng pribadong sektor. Dahil sa mabilis na pag-unlad dulot ng teknolohiya, kinikilala ng Estado ang pangangailangan na magpatupad ng mga batas upang tulungan ang mga pribadong sektor sa pagbibigay ng kani-kanilang mga serbisyo.


Ayon sa Section 4(a) ng Republic Act (R.A.) No. 10515, o kilala bilang “Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013,” mahigpit na ipinagbabawal ang pagharang o pagtanggap ng anumang signal ng cable internet system sa pamamagitan ng pag-tap nito nang walang awtoridad ng kaukulang cable internet service provider. Ayon dito:


Section 4. Prohibited Acts. – It is hereby declared unlawful for any person, whether natural or juridical, public or private, to:


(a)intercept or receive, or assist in intercepting or receiving, any signal offered over a cable television system or a cable internet system by tapping, making or causing to be made, any connection to an existing CATV System/Network or Cable Internet System/Network without the authority of the concerned CATV Service Provider or Cable Internet Service Provider.”


Ang tahasang pagharang o pagtanggap, o pagtulong sa pagharang o pagtanggap ng anumang signal na inaalok gamit ang cable internet system sa pamamagitan ng pag-tap at paggawa ng koneksyon sa dati nang umiiral na koneksyon nang walang pahintulot ng kaukulang service provider ay ipinagbabawal. 


Dagdag pa rito, ipinagbabawal ng Section 4(b) ng batas ang pagbebenta ng ganitong klaseng serbisyo:


Section 4. It is hereby declared unlawful for any person, whether natural or juridical, public or private, to:

xxx

 

(b) record, reproduce, distribute, import or sell, any intercepted or received CATV System/Network signals for commercial purposes without the authority of the concerned CATV Service Provider or Cable Internet Service Provider.”


Upang sagutin ang iyong katanungan, ang pagbebenta ng internet signal sa murang halaga sa pamamagitan ng pag-tap sa ilegal na koneksyon nang walang pahintulot ng cable internet service provider ay ipinagbabawal ng batas. Ang sinumang mapatunayan na lumabag nito ay maaaring humarap sa pagkakulong o multa. Ayon sa Section 5 ng parehong batas:


Section 5. Penalties. – Any person who commits any of the unlawful acts enumerated in the next preceding section shall be punished with imprisonment of not less than two (2) years but not more than five (5) years or a fine of not less than Fifty thousand pesos (P50,000.00) nor more than One hundred thousand pesos (P100,000.00) or both, at the discretion of the court. If the offender is a corporation or association, the president, manager, managing partner or any officer of the corporation or partnership who directly participated in the violation of this Act shall be held liable.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page