ni BRT @News | August 8, 2023
Bahala na ang Senado at Kamara sa hinihingi ng Department of Education (DepEd) na P150 million confidential fund para sa susunod na taon, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Kasabay nito, binigyang-katwiran ni Duterte ang pangangailangan ng DepEd ng confidential fund.
“Because education is intertwined with national security. Napakahalaga na we mold children who are patriotic, children who will love our country, and who will defend our country,” aniya.
Gayunman, tumanggi ang Bise na idetalye kung paano ito gagamitin.
“There is a joint memorandum circular with regard to confidential funds. Nakalatag doon kung paano siya gagamitin. Nakalatag din doon kung paano siya i-liquidate. And by its nature, it’s a confidential fund, so we cannot discuss kung paano siya ginagamit sa operations,” she added.
Napag-alaman na ang pondo ay bahagi ng P9.2 confidential fund na nakapaloob sa 2024 National Expenditure Program (NEP) na isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara.
תגובות