ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | November 28, 2020
Dear Doc. Shane,
Tatlong beses nang nagdugo ang ilong ng aking 7 years old na anak. Maaari ba ninyong talakayin ang mga posibleng sanhi at ano ang dapat kong gawin? – Alicia
Sagot
Ang pagdurugo ng ilong ay kadalasang normal. Ito ay dulot ng init sa katawan na gustong lumabas. Ngunit minsan, ang pagdurugo ng ilong ay senyales ng malubhang sakit. Mas madalas mag-nosebleed ang mga 2 years old at 10 years old. Nasa 50-60 years old naman sa mga matatanda.
Ano ang sanhi ng pagdudugo ng ilong?
Ang kadalasang sanhi ng nosebleed ay trauma sa pagkalikot sa ilong. Ito ay tulad ng pagkakasuntok sa mukha o kapag sobrang lamig din. Kadalasan ay nagreresulta sa hindi pag-clot ng dugo dahil sa paggamit ng blood thinners tulad ng aspirin at warfarin. Ang mga may high blood pressure ay may chance na magkaroon ng nosebleed. Ang mga may sakit sa atay ay maaaring matagal ang pag-nosebleed.
Ano ang dapat gawin kapag nag-nosebleed?
Umupo nang maayos. I-relax ang katawan. Ang paraang ito ay nakapagpapababa ng blood pressure sa mga ugat ng ilong.
Pisilin ang ilong at gamitin ang mga hinlalaki at hintuturo para pisilin ang ilong. Pagkatapos huminga gamit ang bibig. Gawin ito sa loob ng limang minuto. Ang pagpisil nito ay nagbibigay ng pressure sa nasal septum na makakapagpatigil ng pagdudugo.
Kung ayaw ulit dumugo ang ilong, maaari lamang na ‘wag na itong kalikutin pa.
Iwasan ang paninigarilyo dahil ito ang dahilan ng pagkatuyo at iritasyon.
Ito ay maaaring dahil sa lagnat, allergy at sinus infection.
Ang ulo ng pasyente ay kailangang mas mataaas sa kanyang puso. Alalahaning ‘wag muna huminga gamit ang ilong.
Tandaan na kung sakaling maranasan ulit ito, kumunsulta agad sa doktor upang malaman ang sanhi ng pagdugo ng ilong.
Kommentarer