ni Fely Ng @Bulgarific | Feb. 16, 2025

Hello, Bulgarians! Ang newly-appointed President at CEO ng PhilHealth na si Dr. Edwin M. Mercado, kasama ang 9,000 opisyal at empleyado mula sa buong bansa ay ipinagdiwang ang ika-30 taong anibersaryo ng state insurer sa isang solemn Eucharistic Mass noong Pebrero 14 at si Father Jerry Orbos, SVD, ang nangasiwa nito.
Upang masunod ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pagtiyak na walang hadlang na mga serbisyo, ang misa ay nasundan ng isang board meeting na pinamunuan ni Health Secretary Teodoro Herbosa. Tinalakay ang mga isyu sa critical policy, na tumutugon sa parehong mga pangangailangan ng mga provider at miyembro.
“Nais nating tapatan ng buong pusong paglilingkod ang mainit na pagtanggap ng ating stakeholders, public health and medical communities, at lalung-lalo na ng mga kawani ng PhilHealth na siyang katuwang natin upang mas palawigin pa ang ating serbisyo,” pahayag ni Mercado.
Tatlumpung taon mula nang mabuo, ang PhilHealth ay nananatiling nakatuon sa paghahatid ng de-kalidad at mas tumutugon sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments