ni Madel Moratillo | March 12, 2023
Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law laban sa mga suspek sa pagkamatay ni John Matthew Salilig.
Matatandaang ang bangkay ni Salilig ay natagpuang nakalibing sa isang hukay sa Imus, Cavite matapos itong masawi dahil umano sa hazing.
Ayon sa panel of prosecutors ng DOJ, submitted for resolution na ang reklamo laban sa
7 suspek.
Sinabi pa ng DOJ na sa pitong suspek, ang master initiator na si Daniel Perry lang ang nagsumite ng counter affidavit.
Ang apat na suspek naman na sina Tung Cheng Teng, Jr., Mark Pedrosa, Sandro Victorino, at Michael Lambert Ritalde, humirit na iurong ang preliminary investigation.
Si Romero Earl Anthony ay muli lang iginiit ang inihaing sinumpaang salaysay sa inquest proceedings.
Inaasahang sa mga darating na araw o linggo ay mailalabas na ng DOJ panel ang resolusyon sa reklamo.
Commentaires