top of page
Search
BULGAR

Pagdidikit-dikit ng pirma, daan para makapag-asawa

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | September 18, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Naisipan kong kumonsulta sa inyo upang ipabasa ang aking kapalaran. Ako ay ipinanganak noong September 23, 1985. Sa edad kong ito, wala pa rin akong asawa o nobyo. May chance pa bang makapag-asawa ako at magkaroon ng sariling pamilya? 

  2. Sa career naman, ano ang dapat kong gawin para makapag-ipon? Ako na lang ang bumubuhay sa mga magulang ko, at minsan kinakapos din ako, kaya naman nawawalan na rin ako ng pag-asa. Sana matulungan n’yo ako para sumaya naman ang buhay ko. Ang ikinatatakot ko ay baka tumanda na akong dalaga. 


 

KASAGUTAN 

  1. Tandaang hindi totoo na nakatakda ang kapalaran. Sa halip, ang kadalasang nangyayari ay kalahati lang ang nakatakda at ang kalahati naman ay ang gagawin pa lang ng tao. Halimbawa, may puno ng mangga sa harap ng bahay n’yo, nagkaroon ng bunga, at hindi mo agad ito kinuha. Tiyak na mahuhulog ito sa lupa, at kakainin ng mga ibon, hanggang sa unti-unti na itong mabulok at hindi na mapakinabangan pa.

  2. Ganundin ang buhay ng tao. Kapag alam mong hinog na hinog ka na, mas maganda kung mag-aasawa ka na kaysa matulad ka sa mangga na nabulok. 

  3. Sa ganu’ng paraan, kung tadhana ang nagbibigay ng magagandang kapalaran, siya ang instrumento para mahinog ang mangga, habang ikaw naman ang gagawa ng paraan upang pitasin ito.

  4. Sa totoo lang, pang-asawa na ang edad na 25 hanggang 31, pero ‘yung iba na nasa edad 33 hanggang 45, ayaw pang mag-asawa. Pero bakit kaya? Maaaring wala kasi sa kanilang nagsasabing “Hoy mag-asawa ka na kaya,” at kumbaga sa mangga, “Hinog ka na, dapat ka nang pitasin,” at kapag hindi napitas ang hinog na mangga, darating ang panahong mabubulok ka, mahuhulog sa lupa at habambuhay na mag-iisa.

  5. Makakapag-asawa ka pa, Wenna, lalo na kung pagdudugtung-dugtungin mo ang pagsulat sa iyong pirma dahil magkahiwalay ang letrang “M” at” D”. Kaya dapat mo itong pagdugtungin hanggang matapos ang iyong apelyido sa letrang “Z” na may buntot na bilog. 

  6. Sa ganyang lagda, tuluy-tuloy na umawas paagos ang iyong libido patungo sa malaya, masaya at romantikong relasyon habambuhay. Kumbaga kasi sa isang rosas na nakatanim sa paso, kaunting alaga at dilig pa upang tuluy-tuloy nang gitawan ng ubod na sa bandang huli ay siya ring magiging mabango at magandang bulaklak. Ganundin sa pag-aasawa, kahit sabihin pang 40-anyos ka, kung gusto mo talagang mag-asawa, na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng magkahiwalay na Head at Life Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kung ikaw lang ang masusunod, kayang-kaya mo itong gawin. ‘Yun nga lang, dahil hindi magkakadugtong ang iyong lagda, para ‘di naaantala ang mga balak at gusto mong gawin sa buhay.


 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ngunit ngayon, ‘wag ka nang malungkot at mawalan ng pag-asa dahil ayon sa iyong mga datos, kahit 39 na ang iyong edad, kung sisimulan mong pagdugtungin ang iyong lagda, Kumbaga, isulat mo nang tuluy-tuloy, walang hinto o tigil ang ballpen, hanggang sa matapos hanggang dulo ng letrang “Y” na may bilog na buntot

  2. Sa ganyang lagda, hindi naputol, at tuluy-tuloy na isinulat, kusa ring mangyayari ang lahat ng mga pangarap at adhikain mo sa buhay – sa takdang panahong inilaan ng kapalaran;  makakapag-asawa at magkakaroon ka ng isang simple at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025, sa edad mong sarado 40 pataas (Drawing A. at B. 1-M arrow b. at h-h arrow c.) hatid ng isang lalaking, mas mataas sa iyo ang height, balingkinitan ang pangangatawan at may kayumangging kulay ng balat.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page