top of page
Search

Pagdepensa sa sarili at ama, korte suprema pinawalang sala si Abuyo!

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | August 26, 2023


Pagdepensa sa sarili at ama, korte suprema pinawalang sala si Abuyo! SADYANG napakahalaga ng buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Kaya naman, ang buhay na ito ay kinakailangan ng pag-iingat laban sa panganib na maaaring maging sanhi ng ating kapahamakan at kamatayan.


Sa lipunang ating ginagalawan, itinuturing na makatarungan ang pagtatanggol sa ating sarili, gayundin pagdating sa ating pamilya, Ngunit, kailangan naaayon pa rin sa mga panuntunan ng batas ang pagtatanggol sa ating sarili, pamilya, at sa iba pang tao na nasa peligro ang buhay.


Ang tatalakayin natin sa artikulong ito na pinamagatang Leo Abuyo y Sagrit vs. People of the Philippines (G.R. No. 250495, July 06, 2022, Ponente: Honorable Associate Justice Mario V. Lopez), iginiit ng akusado at nahatulang maysala na si Leo Abuyo ang pagdedepensa para sa kanyang sarili at kaanak dahilan upang kumitil ng buhay ng ibang tao.


Hanggang sa Court of Appeals (CA), ay hindi itinuturing na self-defense at defense of a relative ang ginawa ni Abuyo, ngunit sa Korte Suprema ay nakita ang makatwirang pagdedepensa ni Abuyo.


Noong Agosto 16, 2011, bandang alas 7:00 ng gabi habang pauwi sa kanilang tahanan si Abuyo at ang kanyang asawa, sakay ng kanilang motorsiklo, nang bigla silang harangin nina Cesar Tapel, na mayroong hawak na balisong, at anak nitong si Charles Tapel, na mayroong hawak na baril.


Lumihis ng daan si Abuyo at nagmadaling makarating sa bahay ng kanyang ama na si Leonardo Abuyo. Agad na nagtungo si Charles sa naturang bahay at doon ay tinutukan ng baril ang mga taong naro’n at pilit na pinalalabas si Leo.


Ang ama ni Leo ang lumabas at sinubukan pahupain ang tensyon, ngunit biglang sumugod si Cesar at sinaksak si Leonardo sa ibabang bahagi ng kanyang dibdib.


Sinubukan tumakbo palayo ni Leonardo, ngunit hinabol siya ni Cesar. Sa puntong ito ay lumabas na si Leo upang komprontahin si Cesar, subalit sinubukan siyang saksakin nito.


Nakakuha ng itak sa ibabaw ng mesa si Leo at nataga niya ang kanang kamay ni Cesar.


Nabitawan ni Cesar ang kanyang balisong at nang makuha niya itong muli, nasaksak naman siya ni Leo sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan.


Sa kasamaang palad ay binawian ng buhay si Cesar, agad na sumuko si Leo at hinarap ang kaso na isinampa laban sa kanya. Kalaunan siya ay nahatulan ng Regional Trial Court (RTC) para sa krimen na Homicide.


Naghain ng apela si Leo sa CA, subalit ito ay ibinasura; gayundin ang hiling niyang konsiderasyon.


Ayon sa CA, ang ginawang pananaksak ni Leo kay Cesar ay hindi makatwiran. Sana umano ay sinaktan niya na lang si Cesar sa kanyang kamay.


Inangat ni Leo ang kanyang apela sa Korte Suprema at iginiit na wala siyang intensyon na patayin si Cesar, bagkus, self-defense at defense of a relative lamang ang ginawa niya na sadyang kinailangan upang salagin ang pag-atake nina Cesar at Charles sa kanya at sa kanyang ama.


Sa pagsusuri ng Korte Suprema, mabusisi nilang ipinaliwanag ang bawat elemento ng self-defense at defense of a relative:

“In self-defense, the following elements must concur: (1) unlawful aggression on the part of the victim; (2) reasonable necessity of the means employed to prevent or repel such aggression; and (3) lack of sufficient provocation on the part of the person resorting to self-defense. In defense of a relative, the accused likewise needs to establish the first two requisites of self-defense. In lieu of the third requirement, however, the accused must prove that "in case the provocation was given by the person attacked, that the one making the defense had no part therein. The first requisite of “unlawful aggression on the part of the victim” is the indispensable element of both self-defense and defense of a relative. If no unlawful aggression attributed to the victim was established, the defenses are unavailing for there is nothing to prevent or repel. For unlawful aggression to be present, there must be a real danger to life or personal safety. Anent the second requisite, “reasonable necessity of the means employed to prevent or repel such aggression” envisions a rational equivalence between the perceived danger and the means employed to repel the attack. Yet, the Court recognized that in self-defense or defense of a relative, the instinct for self-preservation will outweigh rational thinking. Thus, “when it is apparent that a person has reasonably acted upon this instinct, it is the duty of the courts to sanction the act and hold the act irresponsible in law for the consequences. “The third requisite of “lack of sufficient provocation” requires the person invoking self-defense to not have antagonized the attacker. A provocation is deemed sufficient if it is “adequate to excite the person to commit the wrong and must accordingly be proportionate to its gravity.”


Nakita ng Korte Suprema ang lahat ng nabanggit na elemento sa kaso ni Leo, partikular na ang kanyang makatwirang pagdedepensa sa kanyang sarili at kanyang ama na noon ay mayroon nang tinamong saksak. Kung kaya’t binaliktad ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng RTC at CA at pinawalang-sala si Leo:


“In this case, the Court finds that Leo used reasonable means to defend himself and his father. The facts show that even after Leo hacked Cesar's right hand, Cesar's unlawful aggression did not cease when he regained possession of the knife. At that point, Cesar's determination to kill Leo and Leonardo was aggravated — more imminent and more dangerously real — into a fixed mindset to subdue Leo's opposition. The CA and the RTC's reasoning that Leo could have grabbed Cesar's knife when it fell off, and that Leo could have escaped and run away is unfathomable to a person juxtaposed in the same pressing situation.”

Sa pagkatig ng Korte Suprema kay Leo, marahil ay mananatiling mayroong daing para sa sinapit ng pumanaw na si Cesar. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay papanigan ng hustisya ang biktima sapagkat ang paghatol sa isang akusado ay batay sa kung anong ebidensya ang ihahain ng prosekusyon. Katulad na lamang sa kasong ito ni Cesar, kung saan kinatigan ng Korte Suprema ang akusadong si Leo dahil sa inihaing ebidensya ay umaayon sa legal na pagtatanggol sa sarili. Ito ay malinaw sa naging paliwanag ng Korte Suprema kaugnay sa pagtatanggol ni Leo sa kanyang sarili at sa kanyang ama.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page