ni VA, MC @Sports | June 26, 2024
Gaya ng inaasahan, nadagdagan pa ang naunang 15 Filipinong atleta na nag-qualify sa darating na Paris Olympics.
Pinakahuling nadagdag sa mga Filipino Olympic qualifiers ang dalawang kababaihang golfers sa katauhan nina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.Kapwa nakapasok sina
Pagdanganan at Ardina sa 60-player cutoff para sa Olympic golf competition sa pagtatapos ng qualification period noong Lunes- Hunyo 24.May ranggong 113th sa world ranking nakamit ni Pagdanganan ang 35th spot ng itinakdang player cut-off upang makapasok sa Olympics sa ikalawang sunod na pagkakataon. Kasalukuyan namang nasa No.298 sa world ranking, nakamit naman ni Ardina ang 55th spot para sa kanyang unang Olympic stint.
Base sa itinakdang qualification system para sa Paris Games, pasok ang nasa top 15 ng world rankings kasama ang mga susunod na highest ranked players para sa kabuuang 60- women field.Gayunman, limitado sa hanggang dalawa lamang kada-bansa ang mapapabilang sa listahan.Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-qualify si Pagdanganan sa quadrennial meet kasunod ng pagsabak niya sa nakaraang Tokyo Olympics kung saan kasama niyang nag-qualify ang ngayo'y Japanese citizen nang si Yuka Saso.
Samantala, 20 na at nadaragdagan pa ang mga atletang lalahok sa ika-100 taon na partisipasyon ng bansa sa Olympics kung saan swak na rin sina swimmers Kayla Sanchez at Harold Hatch maging si judoka Kiyomi Watanabe sa Summer Games.
Ang bilang ay nadagdagan mula sa International Golf Federation’s (IGF) official announcement sa Paris qualifiers na sina Pagdanganan na No. 35 at Ardina na No. 55 sa top 60 cut off ng Olympics.
“Great news, and we can even ask for more,” ayon kay Philippine Olympic Committtee president Abraham “Bambol” Tolentino mula sa Metz, France, kung saan siya nakagabay sa pre-Paris training camp ng mga atleta sa La Moselle kasama si chef de mission Jonvic Remulla.
“Each day, as the countdown to the Olympics dwindles, the morale goes higher and higher,” dagdag ni Tolentino.
Ang iba pang Filipino qualifies sa Paris sina weightlifters Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; at gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.
Comentarios