top of page
Search
BULGAR

PAGCOR nag-release ng P15.5M para sa Kidney Transplant Center at PNP Patrol Jeep

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 26, 2022



Hello, Bulgarians! Sa wakas ang kauna-unahang kidney transplant center sa Cabanatuan City ay magkakatotoo na matapos makatanggap ang Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (DPJGRMMC) ng P13.27 milyong grant mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong Marso 11.


Pinangunahan ni Chairman at CEO Andrea D. Domingo, kasama ang mga miyembro ng PAGCOR Board ang turnover ng grant sa DPJGRMMC para sa pagbili ng Electro-Mechanical Operating Room Tables na may mga espesyal na accessories para sa Urology Department ng ospital (P4.42 million) at Kidney Transplant Donor Section (P8.85 milyon).


Sinabi ni Medical Center Chief Dr. Huberto Lapuz na pinlano nila ang pagtatayo ng kidney transplant center tatlong taon na ang nakararaan, ngunit natigil ang mga plano dahil sa kakulangan ng budget, bukod sa iba pang hamon na nararanasan ng ospital na resulta ng pandemya.


Ibinahagi ni Lapuz na kapag naitatag na ang kidney center sa DPJGRMMC ay hindi lamang mga residente ng Cabanatuan kundi pati na rin ang mga pasyente sa Central Luzon at mga karatig probinsiya tulad ng Aurora, Bulacan, Tarlac at Nueva Viscaya ay makikinabang.


“We are very fortunate that our hospital became the recipient of PAGCOR’s donation. Malaking tulong na ma-establish namin ito dahil wala namang transplant center dito na malapit. Ang mga pasyente pumupunta pa sa Manila para magpagamot sa National Kidney Transplant Institute (NKTI). Once built, this will truly help many patients. Dito na sila ooperahan,” pahayag ni Lapuz.


Bukod sa kidney transplant center, ina-upgrade ng DPJGRMMC ang kapasidad nito mula 400 hanggang 1,000 na kama at magtatatag din sila ng heart center. “Hopefully this year or next year, our plans for the hospital will all materialize. We would like to thank PAGCOR for providing financial assistance for our kidney transplant center,” dagdag pa ni Lapuz.


Samantala, nag-donate din ang PAGCOR ng P2.5 milyon sa Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP). Ang halaga ay gagamitin para sa pagbili ng dalawang patrol jeep (single cab).


“The two vehicles that will be procured will be used in our mobility assets so we will be more effective in managing police operations. With this additional mobility, we can deliver better performance. It will be a big asset because we will be more effective,” saad ni PNP-AVS Director Police Brigadier General Ysmael Salonga Yu.


Ang AVSEGROUP ay isang unit na sumasaklaw sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng mga paliparan sa bansa.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page