ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Sep.22, 2024
Tuluy-tuloy na ang pagdinig ng Senado para busisiin ang panukalang budget ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Tungkulin naming mga mambabatas na busisiin ang budget ng bawat ahensya ng gobyerno upang tiyakin na pakikinabangan ng taumbayan ang pondong nailaan sa kanila.
Nitong Huwebes, naging bahagi tayo ng pagdinig sa mga panukalang budget ng Department of the Interior and Local Government, Department of Foreign Affairs, at Commission on Elections.
☻☻☻
Sa budget hearing ng DFA, hiniling natin sa ahensya na dagdagan ang bilang ng pahina ng ating mga passport.
Malaking bagay ito sa ating mga OFW na madalas mag-renew ng passport dahil mabilis nilang nagagamit ang mga pahina nito.
Bukod dito, binigyang-diin din natin ang kahalagahan ng cyber security para mapangalagaan ang personal data ng ating mga passport holder.
☻☻☻
Sa pagdinig naman ng proposed 2025 budget ng Philippine National Police, napag-alaman natin na 499 police personnel lang ang nakadestino sa Makati City.
Kaya naman nanawagan tayo kay PNP chief Police General Rommel Marbil na i-augment at dagdagan ang bilang ng mga pulis na naka-deploy sa Makati para lalo pang masiguro ang kaligtasan ng mga Makatizens.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments