top of page
Search
BULGAR

Pagbubukas ng mga sinehan at video arcades, pinalagan ng NCR mayors

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 13, 2021





Nabahala ang mga mayor ng National Capital Region (NCR) at nais nilang umapela sa pamahalaan kaugnay ng muling pagbubukas ng mga traditional cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ayon kay Metro Manila Council Chairman and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.


Aniya, "Magkakaroon kami ng reservation. Baka mag-appeal kami sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagbubukas ng mga sinehan.


"In fact, kausap ko mismo si [Metropolitan Manila Development Authority] Chairman [Benhur] Abalos at ipaparating sa IATF ang aming reservation o manifestation regarding dito sa objection sa pagbubukas ng sinehan.


"Hindi po nagkaroon ng proper consultation tungkol sa specifics ng sinehan. Alam naman po natin na ang sinehan, enclosed po 'yan at mahigit isang oras ang gathering sa loob na air-conditioned."


Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon, Biyernes, na simula sa February 15 ay maaari nang magbalik-operasyon ang mga traditional cinemas sa mga GCQ areas, ayon sa IATF.


Pinayagan na rin ang operasyon ng mga driving schools; video at interactive game arcades; libraries, archives, museums at cultural centers; meetings, incentives conferences at exhibitions; limited social events; accredited establishments ng Department of Tourism; at tourist attractions katulad ng mga parke, theme parks, natural sites at historical landmarks.


Nilinaw naman ni Olivarez na sang-ayon ang mga mayor sa desisyon ng IATF na itaas sa 50% ang venue capacity ng mga religious gatherings.


Aniya, "Sang-ayon lahat ng Metro Manila mayors na payagan ang 50% capacity sa mga religious gatherings, provided na 'yung minimum health protocols ipatutupad din po iyan.


"Nakikita naman po natin na open air naman ang ating mga simbahan so 'yun pong contamination, mako-control po 'yun."


Samantala, bukod sa pagbubukas ng mga traditional cinemas, tutol din umano ang mga mayor sa pag-apruba ng IATF sa mga video and interactive game arcades.


Pahayag ni Olivarez, "Isa po naming apprehension, kasi halos dikit-dikit 'yan at saka enclosure. Hindi pa pinapayagan ang mga bata para po lumabas.”


Aniya pa, "Kapag may mga enclosure, d'yan kami may apprehension, 'yung mga fully air-conditioned talaga, based sa consultation sa mga experts.


“'Yung mga open themed parks, halos wala kaming apprehension. Doon lamang sa mga may enclosure.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page