top of page
Search
BULGAR

Pagbisita ni PM Kishida, nagpatibay sa relasyong Japan-‘Pinas

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 5, 2023


Kahapon, Nobyembre 4, naging bahagi ang inyong lingkod ng joint session ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso na naging saksi sa makasaysayang talumpati ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.


Bago ang talumpati ni Prime Minister Kishida, ang huling pagkakataon na may dayuhang head of state na nagtalumpati sa joint session ng Kongreso ay naganap pa noong Pebrero 2006 nang magtalumpati noon si President Avul Pakir Jainulabdeen Abdul Kalam ng India.


Nauna nang nagbigay ng mainit na pagtanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Prime Minister Kishida at sa delegasyon nito nang bumisita sila sa Malacañang noong Biyernes ng gabi.


Ilan sa mga kasunduan na nilagdaan sa official visit ni Prime Minister Kishida ay ang Official Security Assistance Grant aid from Japan to the Government of the Philippines worth JPY 600 million (or approximately P235 million) for coastal radar system. The Exchange of Notes concerning the provision of construction equipment for Road Network Improvement/Implementation and Disaster Quick Response Operation Under the Economic and Social Development Programme, Memorandum of Cooperation in the field of Tourism, Memorandum of Cooperation on Mining Sector between the Department of Environment and Natural Resources and the Ministry of Economy, Trade and Industry of Japan.


☻☻☻


Isa ang bansang Japan sa pinakamalaking pinagkukunan ng official development assistance (ODA) ng Pilipinas.



Ayon sa Department of Finance, umabot sa halagang $14.139 bilyon o P7.77 trilyon sa loob ng 20 taon mula 2001 hanggang 2020 ang ODA mula sa Japan.


Ito ay 70 porsyento ng lahat ng $19.656 bilyong kabuuang bilateral loan portfolio sa katulad ding panahon.


Kaya naman malaking bagay ang pagbisita ni Prime Minister Kishida sa ating bansa dahil umaasa tayong lalo nitong pagtitibayin ang kooperasyon at pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Japan.

☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page