ni Lolet Abania | June 20, 2021
Pinirmahan na ng pamahalaan ang kasunduan para sa pagkuha ng 40 milyon doses ng COVID-19 vaccines sa American firm na Pfizer-BioNTech, ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr..
“We are very happy to report that the government and the management of Pfizer have finally concluded our negotiations. Secretary Duque and I signed yesterday the supply agreement for the biggest and most decisive deal we had for 2021,” ani Galvez sa isang statement ngayong Linggo.
“I would like to thank my colleagues from the Philippine vaccine negotiating team from the Department of Finance and our multilateral partner for tirelessly working to secure these much-needed shots that will benefit 20 million Filipinos,” sabi pa ni Galvez.
Sinabi ni Galvez, nakatakdang i-deliver ang bakuna ng Pfizer matapos ang walong linggo simula sa Agosto ngayong taon, habang ang shipments ay ipapadala nang bultuhan o maramihan.
Gayundin, ang Pfizer vaccine doses ay pinondohan sa pamamagitan ng multilateral arrangement sa Asian Development Bank (ADB). Ayon pa kay Galvez, titiyakin nilang mayroong transparency gamit ang direct disbursement scheme para sa loan funds mula sa mga multilateral partners, kung saan ang payments ay babayaran aniya, “directly by the fund manager to the vaccine manufacturer.”
“Through this scheme, the Filipino people can be assured that our transactions on vaccine procurement will be transparent, as the funds will not pass through the hands of any government official or agency.
Wala pong dumadaan na pera sa amin,” sabi ng kalihim. Para naman sa ibang supply agreements ng bakuna, binanggit ni Galvez na tinatayang 16 milyong doses ang mula sa Novavax at Johnson & Johnson na patuloy ang negosasyon.
Plano na rin ng gobyerno na pirmahan ang supply agreement para sa 6 milyong doses ng Johnson & Johnson’s Janssen vaccine.
Dahil sa bagong supply deal mula sa Pfizer, nakapag-secure na ang pamahalaan na mai-deliver ang 113 milyong doses mula sa limang vaccine makers gaya ng Sinovac na mayroong 26 milyon doses, Sputnik V na 10 milyon doses, 20 milyong doses mula sa Moderna, 17 milyon doses ng AstraZeneca, at 40 milyon doses mula Pfizer.
Nangako rin ang COVAX Facility na magpapadala ng kabuuang 44 milyon doses sa bansa ngayong taon, kung saan umabot na sa 157 milyon doses ang kabuuang bilang ng doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng Pilipinas.
Kaugnay nito, ang Department of Health (DOH) kamakailan ay inaprubahan ang Pfizer vaccines para sa pagbabakuna sa indibidwal na nasa edad 12 at pataas.
Comments