top of page
Search
BULGAR

Pagbebenta ng yosi malapit sa iskul, bawal

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 28, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay may maliit na sari-sari store malapit sa isang pampublikong paaralan. Maaari ba akong magbenta ng sigarilyo? Hindi ko naman ito ipagbibili sa mga menor-de-edad. - Gary


Dear Gary,


Ang Republic Act No. 9211 o mas kilala bilang Tobacco Regulation Act of 2003 ang siyang batas na angkop sa iyong sitwasyon. Ayon sa Seksyon 10 ng nasabing batas:


“SECTION 10. Sale of Tobacco Products Within School Perimeters. — The sale or distribution of tobacco products is prohibited within one hundred (100) meters from any point of the perimeter of a school, public playground or other facility frequented particularly by minors.”


Alinsunod sa nabanggit na batas, ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo sa loob ng isang daang metro mula sa isang paaralan. Kaugnay nito, ang parusa para rito ay nakasaad sa Seksyon 32 (b) ng nasabing batas:


“SECTION 32. Penalties. — The following penalties shall apply:


b. Violation of Sections 7, 8, 9, 10, and 11. — On the first offense, any person or any business entity or establishment selling to, distributing or purchasing a cigarette or any other tobacco products for a minor shall be fined the amount of not less than Five thousand pesos (Php5,000.00) or an imprisonment of not more than thirty (30) days, upon the discretion of the court. For succeeding offenses, both penalties shall apply in addition to the revocation of business licenses or permits in the case of a business entity or establishment.


If the violation is by an establishment of business entity, the owner, president, manager, or the most senior officers thereof shall be held liable for the offense.”


Samakatuwid, mariing ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo hindi lamang sa menor-de-edad, kundi pati sa mga lugar na malapit sa mga paaralan. Maaaring pagmultahin ang sinumang may-ari ng tindahan na lalabag dito. Kaya naman, kung ang iyong tindahan ay nasa loob ng isang daang metro mula sa malapit na paaralan, hindi ka maaaring magtinda ng sigarilyo kahit pa hindi mo naman ito ibebenta sa mga menor-de-edad.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page