ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | December 2, 2022
Napakabilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nagsimula ang 2022, pero nagpalit na naman tayo ng buwan at nasa exciting part na tayo ng kasalukuyang taon dahil December na’t ilang araw na lang ay Pasko na. Samantalahin na natin ang pagkakataon na ang inyong Senador Kuya Bong Go ang isa sa pinakaunang babati sa inyo ng “Maligayang Pasko!
Pinakamagandang regalo na matatanggap natin ngayong Pasko mula sa Diyos ang natatanaw nating “light at the end of the tunnel” dahil patuloy tayong bumabangon mula sa krisis na dulot ng COVID-19. Kumpara sa dalawang nagdaang Pasko, may liwanag ngayon ang buhay at unti-unti tayong nakababalik sa normal na paraan ng selebrasyon dahil patuloy sa pagbaba ang bilang ng mga tinatamaan ng virus.
Gayunman, tulad ng palagi nating pakiusap at paalala sa lahat—huwag maging kumpiyansa dahil nariyan ang banta ng naturang sakit. Kung hindi sagabal at mahirap gawin, patuloy tayong magsuot ng face masks sa matataong lugar at sumunod sa iba pang health protocols. Kung hindi pa bakunado, pakiusap na magpabakuna na’t magpa-booster shot na rin kung kuwalipikado. Sa totoo lang, ang bakuna ang malaking factor kung bakit unti-unti na tayong nakakaahon mula sa hagupit ng pandemya.
Isa pang paalala, maging maingat laban sa sunog. Mahirap ang nasusunugan. Ingatan ang buhay at ang mga naipundar. Tiyaking maayos ang mga linya ng kuryente sa bahay. Iwasang gumamit ng kandila kapag brownout dahil ito ang isa sa pangunahing sanhi ng sunog. Ngayong maraming nagdedekorasyon ng Christmas lights, tiyaking pasado ito sa product safety standard at bumili lang sa mga awtorisadong tindahan. Wala tayong ibang hiling sa Diyos, kundi ang ligtas na Christmas Season para sa lahat ng Pilipino.
Noong November 30, kasama ang kapwa mambabatas na sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Imee Marcos ay personal naming binisita at hinatiran ng tulong ang 669 pamilyang nasunugan sa Looc, Mandaue City. Matapos ito ay dumiretso kami sa Cebu City para ayudahan din ang 272 pamilyang nasunugan na mula sa mga barangay ng Mabaling, Kalunasan, Capitol Site, Guadalupe at Kamputhaw. Namahagi rin tayo ng tulong sa 2,000 market vendors ng nasabing lungsod.
Dinaluhan natin ang year-end summit ng Liga ng mga Barangay - Cebu Province. Mahal natin ang mga opisyal ng barangay at malaking tulong sila sa ating mga kababayan, lalo na noong pumutok ang pandemya, kaya suportado natin ang mga hakbang na mas palakasin pa ang mga barangay units at maalagaan ang kapakanan ng mga barangay frontliners.
Samantala, kahapon naman, December 1 ay nakiisa tayo sa groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa Biñan City sa probinsya ng Laguna, na sinundan din ng pagbibigay ng ayuda sa 1,000 nating kababayan doon. Dumalo rin tayo sa national assembly ng League of Vice-Governors of the Philippines, kinahapunan.
Noong November 28 ay nakilahok tayo sa isinagawang medical mission at pamamahagi ng ayuda ng pahayagang Bulgar. Pagkatapos noon ay naalalayan din natin ang nasa 1,382 benepisaryo mula sa Caloocan City.
Ngayong araw naman, December 2 ay sinaksihan natin ang groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa Island Garden City of Samal kasabay ng paghahatid ng tulong sa mga kababayang tour guides at habal-habal drivers.
Samantala, ngayong linggo ay muling nakarating ang ating opisina sa iba’t ibang komunidad sa bansa para patuloy na maghatid ng tulong sa mahihirap na residente. Sa dalawang araw na isinagawang pamamahagi ng ayuda sa Tarangnan, Samar ay 2,799 na benepisaryo ang naalalayan. May 1,000 nabahaginan sa Gutalac, Zamboanga del Norte; 870 sa San Jose del Monte City, Bulacan; at 700 pa sa iba’t ibang bayan sa Davao Oriental. Nakapagbigay din tayo ng educational assistance para sa 500 estudyante ng Catanduanes.
Sa ating paglilibot, nakapamahagi rin tayo ng ayuda at para sa pangunahing pangangailangan ng 500 na benepisaryo sa Tinio, Nueva Ecija; 499 sa Loon, Bohol; at 400 sa Mandaue City, Cebu. Hindi rin natin kinaligtaan ang mga taga-La Union, tulad ng 306 benepisaryo sa Pugo at 200 pa sa San Fernando City. Nagsagawa rin tayo ng serye ng pamamahagi ng ayuda sa 1,000 nating kababayan sa Malalag, Davao del Sur; 736 sa Botolan, Zambales; bukod pa ang natulungan na 540 residente mula sa Tineg, Abra na apektado ng lindol.
Salamat sa pagtugon sa mga panawagan ng gobyerno para tuluyan nating malampasan ang pandemya at iba pang krisis. Nalampasan natin ang mga pagsubok sa nakalipas na dalawang taon dahil hindi tayo bumitaw sa isa’t isa at sa hangaring makakamit ang komportableng buhay at pag-unlad sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa at pagbabayanihan.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Comments